Saturday , November 16 2024

3 killer cops tinukoy na (Sa Kian slay)

KATARUNGAN para kay Kian Loyd Delos Santos. Ito ang isinisigaw ng grupo ng mga kabataan at Anakbayan sa press conference sa Sta. Cruz, Maynila, kaugnay sa pagkamatay ng 17-anyos binatilyo sa Oplan Tokhang sa Caloocan City. Kasabay nito, nanawagan sila kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagpatay sa mahihirap na sangkot sa ilegal na droga. (BONG SON)

NASA hot water ang tatlong pulis ng Caloocan City kaugnay sa pagpatay sa 17-anyos binatilyo sa isinagawang anti-illegal drug operation nitong nakaraang linggo.

Sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz, ay kasalukuyang iniimbes-tigahan kaugnay sa police operation na nagresulta sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos, isang Grade 11 student, na nagresulta sa pagsiklab ng galit ng publiko.

Ayon sa pulisya, binaril ni Delos Santos ang mga pulis kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Ngunit nagkaroon ng pagdududa nang makita ang insidente sa CCTV footage at sa inihayag ng testigo.

Nakita sa surveillance footage ang dalawang pulis habang bitbit si Delos Santos patungo sa lugar na pinangyarihan nang pagpatay sa kanya.

Habang ayon sa isang testigo, binugbog ng mga pulis ang biktima, sapilitang binigyan ng baril, at inutusang tumakbo si Delos Santos.

Magugunitang sinabi ni PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa, na ayon sa “raw intelligence information” si Delos Santos ay drug courier ng kanyang ama at tiyuhin, alegasyong itinanggi ng pamilya ng binatilyo.

Ang tatlong pulis ay sinibak na sa kanilang puwesto at pansamantalang itinalaga sa Regional Police Holding and Accounting Unit, ayon kay Metro Manila police chief, Director Oscar Albayalde.

Si Caloocan City police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna ay sinibak din sa kanyang puwesto upang bigyan-daan ang imbestigasyon sa insidente.

Habang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Delos Santos ay dapat makulong kapag napatunayang guilty sa “rubout.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *