SAN LUIS, Pampanga – Nagbahay-bahay ang mga awtoridad upang inspeksiyonin kung may natitirang mga manok, itik, bibe, at iba pang mga ibon at itlog sa mga barangay na apektado ng bird flu, nitong Lunes.
Ilang manok at kalapati ang kinompiska makaraan galugarin ng mga awtoridad ang mga bahay sa loob ng 1-kilometer radius dito sa bayan.
Nauna rito, iniutos ng gobyerno na katayin ang lahat ng mga ibon na matatagpuan sa isang kilometro mula sa lugar na unang nagpositibo sa bird flu.
Hindi bababa sa 600,000 ibon ang kinatay noong nakaraang linggo upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Ayon sa Department of Agriculture, may nakahandang ayuda ang gobyerno para sa mga magsasakang apektado ng paglaganap ng sakit.