Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay, Mikay, pasok sa Little Big Shots

NAKATUTUWA ang mensaheng ipinahatid sa amin ni Mommy Dianne ukol sa kanyang anak at pamangking sina Kikay, Mikay. Ipalalabas na kasi ang pelikula nitong  njh  na tampok nga ang dalawang bibong bata bilang kapatid ng bidang si Ralph Maverick Roxas.

Ang Sikreto Sa Dilim ay idinirehe ni Mike Magat mula sa RM8 Films Movie Production ni Ramon Roxas.

Ayon kay Mommy Divine, nakapasok sa International Film Festival Manhattan New Yok ang unang pelikulang sinabakan nina Kikay, Mikay.

Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil malaking achievement nang maituturing ang nagawa ng kanyang anak at pamangkin.

Sa September 14 mapapanood ang Sikreto Sa Dilim sa Manhattan, New York, at sa Okctober 19 at 23 naman sa New York Festival. Kasama rito nina Kikay, Mikay bukod kay Ralph sina Lovely Rivero, Akihiro Blanco, Dianne Medina, at iba pa.

Bukod sa pelikula, malaking achievement din ang pagkakasama nina Kikay, Mikay sa Little Big Shots sa ABS-CBN na ang host ay si Billy Crawford.

Ayaw pang sabihin ni Mommy Dianne kung anong talent ang ipinakita ng magpinsan, pero for sure, kakaiba iyon at dahil lahat ng batang itinatampok sa Little Big Shots ay pawang magagaling.

Binabati namin sina Kikay, Mikay gayundin si Mommy Dianne dahil nagbunga na ang kanilang pagtitiyaga. More blessings to come sa inyo.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …