KABILANG ang isang 7-anyos Filipino, unang napaulat na nawawala nitong nakaraang linggo, sa mga napatay sa Barcelona attack, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, kahapon.
“According to Chargé d’Affaires Emmanuel Fernandez, the Philippine Embassy in Madrid was informed of the boy’s demise by his family after his father positively identified his remains,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ang bata ay nahiwalay sa kanyang 43-anyos ina nang ararohin ng isang van ang karamihan ng mga tao sa tourist area ng Las Ramblas.
Ang mag-ina ay nasa Barcelona para dumalo sa kasal ng kaanak.
“The mother remains in the intensive care unit of a local hospital after undergoing surgery for fractures in both legs and one arm that she sustained in the incident,” ayon sa DFA.
Limang Filipino pa ang sugatan sa terror attack na ikinamatay ng 14 katao.