Friday , November 15 2024

Hari ng taxi operators hinamon na tumakbo sa barangay elections

SOBRA talaga ang lakas ng pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) na si Atty. Bong Suntay sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil matapos buwisitin ang Grab at Uber operations, naghayag siya ng interes na gumamit ang mga taxi driver ng application na katulad ng ginagamit ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Kung hindi ba naman utak-ganid itong si Suntay, gusto niyang puwersahin ang mga tumatangkilik sa Grab at Uber na lumipat sa taxi sa pag-aakalang kung may application sila sa mobile phones ay kaya nilang makipagsabayan sa Grab at Uber.

Ang dapat kay Suntay, maghanap ng application na magbabago sa modong “dorobo” ng mga taxi driver dahil hindi pa rin sila sasakyan o patuloy na iiwasan na parang may ketong hangga’t bastos sila sa pagtrato sa mga pasahero.

Ang hirap kasi sa taxi operator na tulad ni Suntay, patuloy nilang ipinabibiyahe ang mga taxi na kakarag-karag na at panahon pa ng kopong-kopong nabili kaya lumalabag araw-gabi sa Clean Air Act dahil nagbubuga ng maitim at nakasusulasok na usok tulad ng mga pampasaherong bus at jeep.

Mapapel din naman si Atty. Vigor Mendoza ng transport group na Kapit na inihabla ang Grab at Uber executives sa paglabag sa “Public Service Act” gayong ang kanilang pampasadang mga sasakyan ang sanhi ng trapik sa mga lansangan kaya lumalabag mismo sa naturang batas.

Lumalabas tuloy na usapang abogado ang sabwatan nina Suntay, Mendoza at ang asal-ha-ring si LTFRB chairman Atty. Martin Delgra III na astig kung magdesisyon para sa kapakanan ng taxi operators.

Sa sobrang lakas nitong si Suntay kay Delgra, tiyak na mabilis pa sa alas-kuwatro na pagbibigyan ang My-Cab app na ginagamit sa Cebu at Iloilo.

Pero sa matagal nang buwisit sa asal ng mga taxi driver, suntok sa buwan kahit gumamit pa sila ng application dahil hindi man aminin ni Suntay, wala na siyang kredibilidad at maging ang mga nagmamaneho sa batalyon niyang mga taxi.

Sabi nga ng magagalang at edukadong Grab at Uber drivers na taga-Quezon City, kahit tumakbong konsehal ng barangay si Suntay sa lungsod sa susunod na taon ay tiyak na pupulutin sa kangkungan sa labis na prehuwisyo sa mga tulad nilang gusto lang ng matiwasay na hanapbuhay.

MULA SA MAMBABASA:

“Good morning po, isa po akong concerned citizen dito sa aming lugar sa Evangelista St., Brgy. Palatiw, Pasig City. Gusto ko lang pong isumbong sa inyo ang isang notorious na tulak ng ilegal na droga dito sa amin na dumadayo pa para magbenta. Kilala po siya sa alyas na “Arab” dito lang po sa likod ng Liana’s sa palengke. Maraming salamat po.”

(KUNG gustong tumugon o nais magsumbong, mag-email lamang sa [email protected] at mag-text o tumawag sa 09474326230)

 

ABOT-SIPATAriel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *