Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Woke Up Like This, non-stop entertainment ang pasabog

TIYAK na 100 percent ang hatid na saya ng latest family comedy for all ages, ang Regal offering na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Malakas na hagalpakan ang pinakawalan ng mga nakapanood na ng rough copy ng Joel Ferrer movie.

Alam naman natin na basta gawang Regal na comic films, pampamilya. Patunay ang latest blockbuster nitong Our Mighty Yaya na pinagbidahan ni Ai Ai de las Alas.

Sumasabay din kasi ang Regal sa mga uso ngayon sa mga millennial dahil ang titulong Woke Up Like This ay nagmula sa malikhaing isipan ng millennials.

Ginagampanan ng Prime Comedian ang papel ni Nando, Hari ng Hardcourt samantalang ang Prime Actress na si Lovi ay ang Reyna ng Rampa, si Sabrina. Isang buwakaw sa basketball court at maldita sa rampahan at mapang-api sa mahihirap ang biglang nagkapalit ng kasarian dahil sa hindi magandang ugali.

Roon na nagsimula ang riot na eksena ng dalawa. Kung noong lalaki pa si Vhong ay todo na ang husay sa pagpapatawa, gayundin si Lovi sa mga kilos at bitaw ng salita sa kada eksena habang babae pa.

Nang mabaligtad na ang mundo nila, lumabas ang pagiging maangas na lalaki si Vhong pero nakatatawang panoorin. Si Vhong naman bilang babae, super conscious sa mukha at animo ay tunay na girl ang kasarian! Kapag magkaeksena, sumasabog ang chemistry bilang comic tandem!

Idagdag pa ang kakikayan ng ibang female cast gaya nina Cora Wadell, Yana Assistio, at Dionne Monsanto kaya naman kapag nagsama-sama na sila ni Lovi, kakabagan ka na sa katatawa.

Sina Joey Marquez at Bayani Agbayani naman, winner din ang comic scenes lalo na sa eksenang naliligo na pinanonood ni Vhong bilang si Sabrina!

Unang comedy movie ito ni Lovi pero naitawid niya. Tawag nga tuloy sa kanya ng writers ng movie, “LPJ” o Lovi Poe, Jr., huh! Aba, natural comedian din ang nayamapang Action King bukod sa magaling na Action King!

At wala nang duda ang kahusayan ni Vhong bilang komedyante. Pero sa WULT, marami siyang hugot at bagong estilo ng pagpapatawang ngayon lang niya ilalabas!

At sa galing ng dalawang actor, umani na ng almost 10-M views ang trailer nito sa social media. Maging sa malls na puntahan nila, umaapaw ang tao at bentang-benta sa kanila ang antics ng dalawang bida!

Sa totoo lang, swak na swak din sa buong pamilya ang WULT. May hatid itong values na matututuhan na kahit nasa rurok ng tagumpay ang isang tao, dapat lang na siya ay manatiling mapagkumbaba. Makaka-relate rin sa mga eksena ang millennials na tutok ngayon sa gadgets at social media.

Bilang bonus, may surprise appearance ang ilang kasama ni Vhong sa It’s Showtime at ilang basketball players na pumayag lumabas sa Vhong-Lovi movie. May sarili rin silang eksenang katawa-tawa kaya naman sumugod na sa Agosto 23 sa sinehan na showing na sa buong bansa.

Isa lang ang Woke Up Like This sa 24 movies na gagawin ng Regal. Kasalukuyan nang isinu-shoot ang mga pelikulang Recipe For Love nina Christian Bables at Cora Wadell; This Time I’ll Be Sweeter nina Barbie Forteza, Ken Chan, at Thea Tolentino; The Debutantes, Haunted Forrest, My Fairy Tale Love Story nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Basta katatawanang pelikula na pamilya, plakadong-plakado na ng Regal ang gusto ng moviegoers!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …