Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tina, Manilyn at Sheryl, magre-reunite sa Triplet, The Concert

NAKATUTUWA ang muling pagsasama-sama ng tatlong maiinit na teen star noong dekada 90 na sina Sheryl Cruz, Tina Paner, at Manilyn Reynes. Ito’y sa pamamagitan ng Triplet, The Concert na magaganap sa September 9, sa Music Museum at ididirehe ni Frank Mamaril handog ng Striking Star Productions.

Ayon kay Sheryl, na siyang prodyuser ng concert kasama si Tina, nabuo ang konseptong magkaroon sila ng concert sa kahilingan na rin ng kanilang fans nang magsama-sama sila sa serye ng GMA7 na Meant To Be.

Ang tawag na Triplet sa tatlo ay nabuo pala mula sa kanilang original tile ng album mula Ivory Records at dahil magsasama-sama muli sila, pinanatili na lamang nila ang tawag na ito sa kanila.

And of course, asahan na muling maririnig ang mga awiting pinasikat nila tulad ng kanta ni Tina na Tamis ng Unang Halik, Sana, Maayong Pasko, at Umiibig Ka Pala Sa Akin; ang mga awitin ni Manilyn na Sayang Na Sayang, Ikaw Pa Rin, Feel Na Feel, Mr. Disco, Ingat Ka, Mahal Kita, Nandito Pa Rin, at Kulang Pa Ba; at ang mga kant ni Sheryl na Sabi Ko Na Nga Ba, Mr. Dreamboy, Ikaw Ang True Love Ko, Sagot Ng Puso, Walang Ganyanan, at Ako’y Iyong-Iyo.

“Pero siyempre kakanta pa rin naman kami ng mga bagong kanta since puro millennials na ang mga anak namin,” saad naman ni Mane na may tatlong anak na lalaki, si Kyle, 21; Kirk, 15; at ang pinakabunso na anim na taong gulang.

Dalaga na rin ang anak ni Sheryl, si Ashley Nicole Bustos na 16 na taong gulang na at ang 14 na taong gulang na anak ni Tina na si Luisane Kristiel.

Sa tatlo, si Manilyn ang halos hindi iniwan ang showbiz at aktibo pa rin kaya naman ikinatuwa nina Sheryl at Tina na nakabalik din sila sa showbiz.

Ayon sa tatlo, may tribute sila para kay German Moreno. “Malaki ang utang na loob namin kay Kuya Germs dahil nabuo ang friendship namin sa ‘That’s Entertainment’ kaya I’m sure matutuwa siyang makitang muli kaming nagpe-perform na magkakasama.”

Si Gerry Matias ang musical director ng Triplet: The Concert at special guests nila sina Ivan Dorscher, Jak Roberto, Addy Raj, Ken Chan at iba pang surprise guests.

Nang tanungin kung puwede ba nilang maging guests ang mga dati nilang naka-loveteam, anila, okey lang at iimbitahan nila ang mga ito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …