SINAMPAHAN ng mga kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Richard Gutierrez nitong Miyerkoles kaugnay ng kanyang umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.
Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), nagsampa ang BIR laban kay Gutierrez ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, at dalawang bilang ng pagsusumite ng perjured affidavits.
Inakusahan din ng BIR si Gutierrez na ipinalalabas niya o ng kinatawan niya na naghain siya ng kanyang annual Income Tax Return at quarterly VAT returns noong taon 2012.
Ang mga sinasabing pekeng dokumento ay bahagi ng mga isinumite ni Gutierrez bilang depensa sa kanyang P38.57 milyong tax evasion case sa DOJ.
Habang depensa ng partido ni Gutierrez, lahat ng nasabing mga dokumento ay may orihinal na receipt stamp mula sa BIR, ayon kay Atty. Marie Glen Abraham-Garduque.