Saturday , November 16 2024

Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan

UMALMA ang ilang mga nanunuluyan sa MMDA Worker’s Inn o ‘Gwapotel’ sa Bonifacio Drive sa lungsod ng Maynila, nang sapilitan silang paalisin ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authoriry (MMDA) at dinikitan ng “Notice to the public: CLOSED,” ang natu-rang gusali dahil bagsak ito sa fire safety standard. (BONG SON)
NAGKAROON ng tensiyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Workers Inn o Gwapotel sa Bonifacio Drive, Maynila makaraan puwersahang palabasin at paalisin ang mga nanunuluyan at mga concessionaire roon.

Nabigla sila nang isara ng mga security guard ang inn at ipaskil ang notice na sarado na ito dahil sa safety pre-caution.

Umalma ang mga naninirahan dito lalo’t ito lamang ang murang matitirahan.

“Matagal na kami rito. Extension lang sa gobyerno para manatili at magkaisa kami rito. Para kaming ginawang hayop. Ginawa kaming hayop na inilabas na wala man lang rason kung bakit kami narito,” pahayag ni Donel Quebec, isang tenant sa inn.

Giit din ng mga may-ari ng mga tindahan, ang notice na ibinigay sa kanila ay Agosto 31 pa kaya nagulat sila sa biglaang pagpapasara ng MMDA Workers Inn.

“Nananawagan po kami sa ating mahal na Pangulong Duterte, lalo na wala po kaming kinalaman sa kung ano man ang alitan between two government agencies — sa MMDA o sa Napocor, labas po kami rito. Kami po ay nagbabayad nang tama,” sabi ng isa pang tenant na si Jeff Tomon.

Para kay Reyna Heriales, inaalala niya ang kanilang hanapbuhay bilang tenant at maging ang kahihinatnan ng kanilang mga trabahador.

“Nangungupahan kami. May tao kami. Kargo namin ‘yun tao namin. Sila may pagsasalpakan ng mga trabahador nila. Kami saan namin isasalpak kung ‘yan lang ang hanapbuhay namin? Magkaroon lang ng extension hindi nila magawa!” sabi ni Heriales.

Wala pang komento ang MMDA hinggil sa isyu.

Taon 2007 nang itayo ang Gwapotel para may murang matuluyan ang mga naghahanap ng trabaho na lumuluwas sa Maynila.

P50 kada 12-oras sa regular room, at P100 sa VIP room ang bayad dito.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *