Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, gustong makatrabaho si Ian Veneracion

GALING na galing ang baguhang actor/singer na si LA Santos kay Ian Veneracion kaya naman ito ang gusto niyang makatrabaho sakaling mabigyan siyang pagkakataon.

Ayon kay LA, paborito nila ng kanyang inang si Mommy Flor si Ian na bukod sa indemand ngayon ay marami rin ang naguguwapuhan.

“Idol ko po kasi si Ian tapos crush ni mommy, ha ha ha,” aniya. “kasi po kahit nasa 40 something na siya eh, pogi pa rin siya at naiingatan niya ang katawan niya.”

Samantala, hindi naman ikinaila ni LA na nahirapan siya sa eksenang iyakan sa unang sinabakan niyang pelikula, ang Durugin ang Droga (DAD) na idinirehe niDinkydoo J. Clarion at mapapanood na sa mga sinehan sa September 13.

Nahirapan si LA na umiyak dahil personally ay napaka-positive at happy person siya. “Kumbaga po wala akong maisip na problema kaya medyo nahirapan ako. Pero nagawa ko naman po ng maayos at take one lang,” kuwento ni LA sa ginanap na preview ng DAD noong Martes.

Pero iginiit ng newbie actor na hindi siya masyadong nahirapan sa mga ibang eksena dahil super nag-enjoy siya bukod sa nag-acting workshop muna siya kayLeo Martinez bago nga sumabak sa pag-arte.

Hindi rin nailang si LA sa unang shooting day nila dahil bago iyon ay nagkaroon na sila ng bonding.

Panganay na anak nina Jackie Aquino at Allen Dizon sa DAD si LA na naging adik din.

Ani LA, nanood siya ng mga pelikulang ukol sa droga at mga adik kaya nakakuha siya roon ng teknik.

Kahit ang sampalan scene ay na-enjoy ni LA at siya pa mismo ang nagsabi kay Aquino na totohanin iyon para mas realistic ang dating.

Inihayag pa ni LA na dahil na-enjoy niya ang pag-arte, asahan na muli siyang gagawa ng pelikula. ”Marami pa pong darating na movies. Kahit sa teleserye po gusto ko ring gumawa. Pero hindi ko po bibitawan ang pagkanta kasi ‘yun po ang first love ko,” sambit pa ng batang actor.

At siyempre, hindi rin niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. ”Siyempre po hindi ko pababayaan ang studies ko, lagot tayo kay mommy niyan kapag pinabayaan ko ha ha ha. Kasi kapag may bagsak, hindi ako makakapag-showbiz.”

Hindi rin trabaho ang tingin ni LA sa showbiz dahil nae-enjoy niya nang husto.”Naba-balance ko naman po lahat kaya okey lang naman po,” giit pa niya.

Personal naman ang pelikulang DAD kay Direk Dinkydoo. ”Muntik na akong mamatay because of drugs. And with this new lease in life, na-realikse ko r in naman na may paraan pa for me to give bapick to the society lalo na sa mga nalululong dito gaya ng mga kabataan.

“More than the typical rehabilitation, ‘yungspiritual ang naktia kong mas nakatutulong sa mga dinadalaw namin sa iba’t ibang lugar na may rehabilitation center. Biblia ang dala ko.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …