Friday , December 27 2024

IdeaFirst nina Robles at Lana, pinasok na ang pag-aalaga ng mga direktor

NAGSIMULA sa pagtulong-tulong sa mga lumalapit sa kanilang mga bagito at baguhang direktor hanggang sa napagkasunduan nilang bakit hindi na lamang sila bumuo ng isang grupong gagawa ng magaganda at de kalidad na pelikula.

Rito nagsimula ang lahat. Kaya naman kahapon sa paglulunsad ng sinasabi nilang hottest directors na nasa pangangalaga ng IdeaFirst Company, buong pagmamalaki ng magaling na writer-director na si Jun Robles Lana na kailangang magaling at patagalan ang sinumang gustong sumailalim sa kanilang management.

Pero nilinaw ni award winning producer director Perci Intalan na hindi naman nila itatali ang limang direktor sa kanilang kompanya. “We allow them to do project outside.”

Ang limang nasa pangangalaga na ng IdeaFirst Company ay sina Prime Cruz (Best Director sa QCinema International Film Festival para sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B), Miko Livelo (writer-director ng acclaimed comediesTanods, Blue Bustamante, at I Love You To Death), Ivan Andrew Payawal(writer-director ng I America na nag-compete sa 2016 Tokyo International Film Festival), Dominic Lim (writer-director na ang debut feature na The Write Moment ay napiling mag-compete sa 2017 QCinema International Film Festival), at Sigrid Andrea Bernardo (writer-director ng award winning na pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita at ang highest grossing Filipino independent film na Kita Kita).

Kaya sa paghahanap ng publiko sa fresh at innovative content, handa ang IdeaFirst Company na tugunan ito sa pamamagitan ng kanilang mga direktor na aalagaan.

“Artists are now the stars of Philippine showbiz,” ani Direk Perci. ”Handang bumili ng tiket ang mga tao kapag nakita nilang ang isang pelikula ay may magandang kuwento na gawa ng magagaling na storytellers at may magagaling na artista sa cast. This is the new winning formula: good story plus good cast. Kaya nang binuo namin ang IdeaFirst Company, the vision was to put artistry at the core of out business.”

“We knew we needed fresh talent—both onscreen and offscreen,” pagbabalik-tanaw ni direk Jun kung paano nagsimula ang kanilang kompanya. ”Nagkataon noon na may libreng workshop akong ginagawa, ang Cine Panulat at mula roon inimbita ko ang ilan na sumali sa produktions namin—first as brainstormers, then as writers, then some apprenticed as assistant directors and later became directors themselves. Hindi nagtagal nagpo-produce na sila ng sarili nilang pelikula at naiimbita na sila sa local at international festivals.”

“Audiences are looking for something new,” sambit ni direk Perci. “Kahit sa Hollywood, you can see that fresh talent is key. Maraming big productions doon ang ipinagkakatiwala nila sa relatively new directors topbilled by relatively new actors. Habang naghahanap si Jun ng promising creative artists, sinimulan din namin ang paghahanap ng exciting new performing artists. At ngayon finally, both off and onscreen, nabuo namin ang group thag can best represent not just our compny but this new era of Philippine entertainment.”

BABLES, JUAN, SO,
ALAGA NA RIN
NG IDEAFIRST COMPANY

BUKOD sa magagaling na direktor, nag-aalaga na rin ng mga aktor ang IdeaFirst Company.

Pangungunahan ito ni Christian Bables, ang breakout star ng 2016 Metro Manila Film Festival na patuloy na humahakot ng mga parangal kabilang na ang Urian atMMFF Best Supporting Actor awards. Isa rin siya sa busiest young actors in town—apat na pelikula ang halos magkakasabay niyang ginawa kabilang ang lead roles sa mga TV shows na MMK at Magpakailanman.

Kasama rin ni Bables si Cedrick Juan na hindi rin pahuhuli kung talent ang pag-uusapan. Nahasa ang galing ni Juan sa teatro ay unti-unting sumabak sa pelikula at telebisyon. Best actor nominee sa nakaraang MMFF at lumabas na rin sa maraming TV shows at soap opera gaya ng On The Wings Of Love, magbibida sa pelikulang The Ashes and Ghost of Tayug 1931, isa sa competing films sa 2017 QCinema Film Festival.

Isa naman sa mga artistang dapat abangan sa industriya ay ang young actress na si Adrianna So (dating nakilala bilang Malak So). “Adrianna is an exciting and unique performer who has a look, a sens of grace and a certain mystique about her that I haven’t seen in showbiz for a long time,” saad ni Direk Jun.

Ngayong buo na ang creative at performing artists ng IdeaFirst Company, bukod sa pagpo-produce ng innovative content, nagsisilbi na rin silang management company para sa artista nila kapag may projects ang mga ito sa ibang production outfits, film studios, at television networks.

“We believe that the key to growth is collaboration,” sambit ni Direk Perci. “Collaboration happens on multiple levels at The IdeaFirst Company. It happens internally among the content creators. It happens between the storytellers and our performers. It happens externally between our team and the teams of other companies, halimbawa kapag gumagawa kami ng projects sa Regal, Viva, Quantum, at Star Cinema.”

“Napaka-exciting ng panahon na ito para sa lahat ng artists na nagtatrabaho sa industriya natin because there is an audience that’s now pushing us to do more and to do better,” dagdag naman ni Direk Perci. “Bilang producers at managers, we want everyone in our team to constantly challenge themselves. And with the roster we have, talagang excited na ako for what’s coming. It looks like we are indeed entering a new golden age of Philippine entertainment.”

LA SANTOS, GUSTONG
MAKATRABAHO
SI IAN VENERACION

GALING na galing ang baguhang actor/singer na si LA Santos kay Ian Veneracion kaya naman ito ang gusto niyang makatrabaho sakaling mabigyan siyang pagkakataon.

Ayon kay LA, paborito nila ng kanyang inang si Mommy Flor si Ian na bukod sa indemand ngayon ay marami rin ang naguguwapuhan.

“Idol ko po kasi si Ian tapos crush ni mommy, ha ha ha,” aniya. “kasi po kahit nasa 40 something na siya eh, pogi pa rin siya at naiingatan niya ang katawan niya.”

Samantala, hindi naman ikinaila ni LA na nahirapan siya sa eksenang iyakan sa unang sinabakan niyang pelikula, ang Durugin ang Droga (DAD) na idinirehe ni Dinkydoo J. Clarion at mapapanood na sa mga sinehan sa September 13.

Nahirapan si LA na umiyak dahil personally ay napaka-positive at happy person siya. “Kumbaga po wala akong maisip na problema kaya medyo nahirapan ako. Pero nagawa ko naman po ng maayos at take one lang,” kuwento ni LA sa ginanap na preview ng DAD noong Martes.

Pero iginiit ng newbie actor na hindi siya masyadong nahirapan sa mga ibang eksena dahil super nag-enjoy siya bukod sa nag-acting workshop muna siya kayLeo Martinez bago nga sumabak sa pag-arte.

Hindi rin nailang si LA sa unang shooting day nila dahil bago iyon ay nagkaroon na sila ng bonding.

Panganay na anak nina Jackie Aquino at Allen Dizon sa DAD si LA na naging adik din.

Ani LA, nanood siya ng mga pelikulang ukol sa droga at mga adik kaya nakakuha siya roon ng teknik.

Kahit ang sampalan scene ay na-enjoy ni LA at siya pa mismo ang nagsabi kay Aquino na totohanin iyon para mas realistic ang dating.

Inihayag pa ni LA na dahil na-enjoy niya ang pag-arte, asahan na muli siyang gagawa ng pelikula. ”Marami pa pong darating na movies. Kahit sa teleserye po gusto ko ring gumawa. Pero hindi ko po bibitawan ang pagkanta kasi ‘yun po ang first love ko,” sambit pa ng batang actor.

At siyempre, hindi rin niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. ”Siyempre po hindi ko pababayaan ang studies ko, lagot tayo kay mommy niyan kapag pinabayaan ko ha ha ha. Kasi kapag may bagsak, hindi ako makakapag-showbiz.”

Hindi rin trabaho ang tingin ni LA sa showbiz dahil nae-enjoy niya nang husto.”Naba-balance ko naman po lahat kaya okey lang naman po,” giit pa niya.

Personal naman ang pelikulang DAD kay Direk Dinkydoo. ”Muntik na akong mamatay because of drugs. And with this new lease in life, na-realikse ko r in naman na may paraan pa for me to give bapick to the society lalo na sa mga nalululong dito gaya ng mga kabataan.

“More than the typical rehabilitation, ‘yungspiritual ang naktia kong mas nakatutulong sa mga dinadalaw namin sa iba’t ibang lugar na may rehabilitation center. Biblia ang dala ko.”

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *