NEGATIBO si detenidong Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kanyang kapatid na lalaki, sa paggamit ng ilegal na droga, ayon sa Philippine National Police, kahapon.
Walang nakitang bahid ng methamphetamine o shabu ang mga awtoridad sa urine sample ni Parojinog at sa kanyang kapatid na si Reynaldo Jr., ayon kay PNP Crime Laboratory chief, Insp. Yela Apostol sa press conference kahapon.
Ayon kay Apostol, ang urine samples ay kinolekta sa magkapatid na Parojinog at dinala sa PNP Custodial Center noong 31 Hulyo, makaraan ang pagsalakay dakong madaling-araw na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa at pagkamatay ng kanilang mga magulang.
Noong 30 Hulyo, nagsilbi ang mga pulis ng anim search warrants sa mga bahay ng pamilya Parojinog sa San Roque Lawis, Ozamis, ngunit sinasabing lumaban ang mga suspek.
Humantong ito sa matinding palitan ng putok at nagresulta sa pagkamatay ng 16 katao.