TINALO ni Angeli Bayani si Sharon Cuneta para sa kategoryang Best Actress sa katatapos na 13th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Pinagbidahan ni Bayani ang pelikulang Bagahe.
Big winner naman ang pelikulang Respeto na idinirehe ni Alberto Monteras II dahil ito ang itinanghal na Best Film, Best Editing, Best Cinematography, at Best Supporting Actor para kay Dido de la Paz.
Si Yayo Aguila ang Best Supporting Actress para sa pelikulang Kiko Boksingero samantalang ang The Voice Kids contestant na si Noel Comia Jr., naman ang nagwagi bilang Best Actor para sa pelikulang Kiko Boksingero. Nakuha rin ng pelikulang ito ang Best Original Musical Score.
Si Direct Joseph Israel Laban ang nakasungkit ng Best Director para saBaconaua. Samantalang nabigyan din ang pelikulang ito ng Special Jury Prize.
Si Zig Dulay ng Bagahe ang nakakuha ng Best Screenplay, samantalang nag-tie ang Baconaua at Respeto sa Best Cinematography; Best Production Design ang Nabubulok;
Best Editing, Best Sound, at Audience Choice Award (Full Length) angRespeto. Nakuha rin ng Respeto ang NETPAC Award.
Best Short Film ang Hilom, Best Director (Short Film) si E. del Mundo ng Manong ng Pa-Aling; NETPAC Award (Short Film) ang Aliens Ata;Special Jury Prize (Short Film) ang Fatima Marie Torres at Invasion of Shuttle Pinas 25; Best Screenplay (Short Film) ang Bawod, at Audience Choice Award (Short Film) ang Nakauwi Na.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio