ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jeremy Marquez, anak ng aktor at dating Parañaque City Mayor, na si Joey Marquez, bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Nilagdaan ni Duterte ang appointment paper ni Jeremy nitong 10 Agosto 2017.
Nagsilbing barangay captain ng BF Homes sa Parañaque City nang tatlong termino si Jeremy ngunit pinatalsik bilang Liga president.
Noong 2016 elections, tumakbo si Jeremy bilang vice mayor sa ilalim ng Nacionalista Party at sinuportahan ang kandidatura ni Duterte. Gayonman, natalo siya sa kandidato ng Liberal Party na si Jose Enrico Golez.
Samantala, binigyan ni Duterte ng puwesto ang dati niyang professor na si Jose David Lapuz.
Itinalaga si Lapuz bilang miyembro na kakatawan sa educational, scientific and cultural agencies ng pamahalaan sa UNESCO National Commission of the Philippines, na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Foreign Affairs.