Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Albie, Kean at Kylie, patalbugan sa Triptiko!

KAKAIBA at natatangi ang unang sabak sa big screen ng director na si Mico Michelena sa pelikulang Triptiko na isa sa entries ng Pista ng Pelikulang Pilipinosimula ngayong Agosto16. Tatlong medyo weird na kuwento ang hatid nito sa manonood na pinagbibidahan nina Albie Casiño, Joseph Marco, Kean Cipriano, at Kylie Padilla.

Natagalan man ang paggawa at pagpapalabas nito, nagsilbi namang hulog ng langit ang pagpili ng PPP sa pelikula na binigyan pa ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board.

“Everything fell in its proper place. Sinuwerte kami sa PPP, binigyan ng Grade A and Star Cinema will distribute the film. At saka na-inspire rin ako sa pagiging blocbuster ng movie na ‘Kita Kita’ kaya naman I hope the moviegoers will patronize the film,” pahayag ni direk Mico.

Natutuwa rin ang baguhang director na naitawid ng mga bida niya ang kanya-kanya nilang kuwento. Bida si Albie sa episode na Suwerte pero minalas nang makasaksi siya ng isang krimen.

“Very physical at emotional ang role ko. Walang masyadong dialogue pero nakaka-drain din ang mga eksena. Isang malaking challenge sa akin ‘yon na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon sa mga scene,” saad ni Albie.

Modelo naman si Joseph sa kuwento ng Hinog. Dati siyang modelo bago inagaw ng showbiz kaya effortless sa kanya ang role.

“Eh, tinubuan ako ng boil sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mahirap ‘yung eksenag ini-extract sa katawan ko ‘yung mga pigsa. Siyempre, hubad ako sa scenes! Ha! Ha! Ha! But the film is very exciting,” sey naman ni Joseph.

Bida sina Kean art Kylie sa istorya na Musikerong John. Nagamit ni Kean ang pagiging musikero niya pero madamdamin din ang mga eksena nila ni Kylie dahil lumabas ang iba’t ibang hugot ni Kean sa madamdaming kuwento.

Kanya-kanya man sila ng kuwentong pinagbibidahan, nagkakaisa naman ang mga unang nakapanood ng Triptiko na swak na swak sina Albie, Joseph, Kean, at Kylie at patalbugan sila talaga sa pagpapakita ng husay, huh!

Tatlong medyo weird na kuwento, tatlong magagaling na aktor sa kanilang panahon at isang magaling na director, panoorin ang Triptiko sa cinemas nationwide simula ngayong Miyerkoles!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …