DAPAT pagsabihan ng ilang airline companies diyan sa NAIA ang kanilang “visa readers” kung hanggang saan lang ang extent ng kanilang mga trabaho.
Sa ngayon daw kasi ay daig pa ng mga “visa readers” ang immigration officers sa airport kung makapagtanong sa pasahero.
Maging ang personal questions gaya ng hotel booking, destination, and take note pati show money ay pinakikialaman na rin ng visa readers!
Ano ba talaga ang pakay nila?
Mang-ipit ba para may magipit!?
Sonabagan!!!
Sawsaw galore pa pala ang peg ng mga visa reader na ‘yan!!
Kadalasan daw na biktima ay mga pasaherong may visa papuntang middle east gaya ng Dubai, Saudi at UAE.
May ilang reports na nakararating sa atin na may ilang namamasahero lalo na ‘yung mga travel agent, na kinakailangan daw maglagay sa visa readers na ‘yan para lang hindi ipitin ang pasahero nila.
Ang resulta, natututo tuloy ng katarantadohan ang ilan sa mga ‘yan para lang magkapera!
Hindi lang mga namamasahero ang apektado kundi mismong mga pasahero ay apektado rin.
Baka kalaunan maging SOP na ang lagayan sa mga ‘ungas’ na ‘yan, na kung tutuusin ay hindi naman karapat-dapat!
Paging airline officials! Pakiimbestigahan nga ang ganitong raket ng mga visa reader ninyo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com