Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling

SINIBAK sa puwesto ang apat na hepe ng pulisya sa Calabarzon dahil sa kabiguang masugpo ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupang lugar.

Tanggal sa puwesto sina Supt. Zeric Soriano ng San Pedro City; Supt. Carlos Barde ng Sto. Tomas, Batangas; Supt. Giovanni Zibalo ng Lipa City, at Supt. Ronan Claraval ng San Pablo City.

Ayon kay Chief Supt. Mao Aplasca, hepe ng pulisya sa Region 4-A, sapat na panahon ang ibinigay niya para sa apat na opisyal upang maipahinto ang jueteng at iba pang uri ng sugal.

Matatandaan, una nang inatasan ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng regional directors na ipahinto ang lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa.

Nagbabala si Aplasca sa iba pang hepe ng pulisya sa rehiyon na hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto ang mga opisyal kung hindi nila maipahihinto ang operasyon ng illegal gambling sa kanilang lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …