Saturday , November 16 2024
rape

‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala

NAGREKLAMO sa mga awtoridad ang isang 16-anyos dalagita na sinasabing hinalay ng kapatid ng kanyang nobyo sa San Antonio, Parañaque City, nitong Sabado.

Salaysay ng biktimang kolehiyala, natutulog siya sa bahay ng nobyo nang mangyari ang insidente.

Magkatabi aniya siya at kanyang kasintahan sa itaas ng double deck na kama habang nasa baba naman ang 24-anyos suspek.

Bumaba aniya ang kanyang nobyo sa basement para mag-charge ng cellphone, ngunit nakatulog doon at hindi na nakabalik sa kuwarto.

Sa puntong ito umano hinalay ng suspek ang biktimang nakadamit panloob at cycling shorts.

Itinanggi ng warehouse man na suspek ang paratang at sinabing bukal sa loob ng biktima ang nangyari.

Aniya, “May nangyari po sa amin. Pero ‘di ko matatawag na rape.”

Hindi ito ang unang beses na inireklamo ng panghahalay ang suspek, ayon kay San Antonio Barangay Chairman JR Sanchez.

Ayon kay Sanchez, inireklamo rin ang suspek ng panghahalay sa nakaraang nobya ng kanyang kapatid at kinasuhan dahil sa pagpapakalat ng sex video.

Desidido ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Habang tumangging magbigay ng panayam ang kapatid ng suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *