Wednesday , May 14 2025

Maliliit na negosyo tungo sa pangmatagalang tagumpay

ANO ang sikreto ng Potato Corner kung bakit hanggang ngayon ay patok na patok sa lahat ang french fries nila mula sa mga bata hanggang sa matatanda?

Tila mga kabuteng nagsulputan ang iba’t ibang food cart franchises sa huling mga taon. Mula sa siomai, shawarma, kwek-kwek, iskrambol, French fries, at kung ano-ano pa. Pero kung gaano kabilis magsulputan ang food cart franchises, ganoon din kabilis maglaho ang karamihan. Iilan lang ang talagang nagtagumpay at nanatili sa merkado.

Isa rito ang Potato Corner na 25 taon nang namamayagpag. Maituturing ang French fries nito na isa sa pinakapatok sa bansa.

Si Jose Magsaysay, CEO ng Potato Corner ay mas kilala sa tawag na “JOMAG.” Si Jomag ang isa sa nagtatag nito noong 1992 kasama ng ilang kasosyo. Ang 120 outlets ng Potato Corner ang katunayang naging matagum-pay ang pagsabak nila sa food cart franchising business.

Ngunit hindi araw-araw ay Pasko lalo na sa negosyo. Lubusang naapektohan ang Potato Corner ng krisis pang-ekonomiya sa Asya. Mula 120 ay naging 40 na lamang ang natirang outlets. Sa hindi rin inaasahang pagkakataon, pumanaw ang isa sa mga may-ari.

Lumipat sa Mister Donut si Jomag noong 1997. Nang mga panahong iyon ay nag-aaral siya ng Master in Entrepreneurship (ME) sa Asian Institute of Management (AIM). Ipinalit niya ang Potato Corner sa kanyang laboratory business. Tuluyan siyang nagbitiw sa Mister Donut nang matapos niya ang ME sa AIM.

Bumalik si Jomag sa Potato Corner nang mabalitaan niya ang pagpanaw ng dating kasama. Inihain niya sa mga dating partners ang five-year business plan na idinisenyo niya para sa Potato Corner. Iminungkahi niya na kung saka-ling magustuhan nila ang business plan, payagan nila siyang patakbuhin ang negosyo.

ONE THING
AT A TIME

Ito ang prinsipyong pinanghahawakan ni Jomag sa pagpapatakbo ng Potato Corner. Hyperfocus ang itinuturing niyang pangunahing sangkap sa tagumpay. Hindi sila nagmadali at pinagtuunan at pinag-isipan ang lahat ng maliliit na detalye ng negosyo.

IF YOU WANT
A BRAND TO STICK,
MARKET IT TO KIDS

Ito ang payo ni Jomag sa maliliit na negosyanteng hangad ding magtagumpay at tumagal sa merkado. Mga bata ang target market ng Potato Corner nang magbukas sila noong 1992. Lahat ng branding element pati na ang mascot ay pinag-isipang mabuti upang ma-ging kahali-halina sa mga bata.

Nang tanungin si Jomag kung bakit maraming millennials ang tumatangkilik sa pinakasikat na French Fries sa bansa, natatawa niyang sinagot na noong ipinakilala ang Potato Corner noong 1992 ang mga millennials ay maliliit na bata pa.

Aniya, mainam na pagtuunan ang mas na-kababatang market dahil kapag nakapag-establish ka ng ugnayan sa kanila, “best friends forever” na kayo.

Para kay Jomag, ito ang tatlong dapat tandaan at matutunan upang mapalago nang pangmatagalan ang ang maliit na negosyo: 1) Bumuo ng mas malalakas na mga sistema at estratehiya; 2) Hyperfocus; 3) Kilalanin ang market ng iyong negosyo.

Katulad ng mga pinagdaanan ni Jomag at ng Potato Corner, hindi hadlang ang mga pagsubok na ito upang hindi magtagumpay at mapaunlad ang maliit na negosyo.

ni KARLA LORENA OROZCO

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil proteksiyon sa pabago-bagong panahon

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *