Saturday , November 16 2024

Maintenance worker naipit sa elevator, ‘di nakaligtas

PATAY ang isang building maintenance worker nang maipit sa kinukumpuning service elevator sa isang condominium sa Parañaque City, kamakalawa .

Binawian ng buhay ang biktimang si Henry Villafranca y Escalante, 53, may asawa, ng Block D-11, Lot 3, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas, Cavite, dahil sa matinding bali sa tadyang, mga sugat sa katawan at ulo makaraan maipit sa elevator.

Base sa ulat na ipinarating kay Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District, natagpuan ng isang Mario Lopez ang walang malay na biktima na naka-stuck sa kaliwang bahagi ng car elevator sa loob ng Washington Tower sa Brgy. Don Galo, Parañaque City, dakong 10:15 pm.

Sa ulat nina SPO2 Israel Perez at SPO1 Walter Dulawan ng Investigation Detective & Management Section, ng Parañaque City Police, ayon sa salaysay ng bayaw ng biktima na si Arturo Abriza, nasa ibabaw ng elevator si Villafranca nang mawalan ng balanse kaya nahulog at una ang ulong bumagsak sa gilid makaraan gumalaw ang elevator. Nauna rito, nag-stuck-up ang naturang elevator dahilan upang akyatin at tingnan ng biktima sa ibabaw ng car elevator para kumpunihin ito.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *