Saturday , November 16 2024

Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay

LIBON, Albay – Hinihinalang ginahasa ang isang 17-anyos dalagita makaraan matagpuang hubo’t hubad sa isang abandonadong bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa ama ng biktima, Biyernes ng hapon nang magpaalam ang anak na makikipiyesta sa Brgy. Salvacion, ngunit hindi na nakauwi.

Sa parehong barangay nakita ang biktima na wala nang buhay, nakahubad at may mga sugat ang ulo mula sa hampas ng matigas na bagay.

“Di ko na nga nilapitan pero alam ko anak ko ‘yun. Iyong cellphone niya nasa kubeta,” sabi ng ama ng dalagita.

Dinala sa Legazpi City ang bangkay para matiyak kung ginahasa ang Grade 11 na biktima.

Blanko pa ang pulisya kung sino ang responsable sa krimen.

Nanawagan sila sa mga magulang na huwag payagan ang mga anak, partikular ang mga menor de edad, na dumalo sa mga piyesta.

“‘Pag malalayong lugar, ‘wag nang payagan ang mga bata lalo’t madilim na. Sa bahay na lang para makaiwas sa ganitong pangyayari,” ani PO2 Maribel Maronilla.

Humingi ng tulong ang pamilya sa mga posibleng nakakita sa pangyayari na makipagtulungan sa mga awtoridad.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *