Thursday , December 26 2024

Bela, may 100 tula ring ililibro

KUNG dati’y script ang pinagkakaabalahan ni Bela Padilla, tula naman ang ginagawa niya ngayon bilang paghahanda na rin sa librong ilalabas niya na nagtatampok sa kanyang 100 tula.

“Actually, matagal na rin nilang hinihintay ang mga tula ko kasi nga gagawin na rin itong libro,” aniya nang makausap namin para sa mini-presscon ng kanilang entry ni JC Santos sa nalalapit na 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na ipalalabas sa mahigit 790 cinemas nationwide sa August 16-22, bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika.

“Ang gusto ko sana in time sa showing nitong ‘100 Tula Para Kay Stella’. Roon ko rin mabuo ang ika-100 tula na ginawa ko. Sana matapos ko,” positibong paglalahad pa ng aktres kasabay ang pagpapakita sa amin ng mga nagawa niyang tula na ng araw na iyon ay naka-53 na siya (nagsimula siya ng bilang sa 100 pababa).

Ani Bella, na-inspired siya sa kanilang director na si Jason Paul Laxamana kaya naman itinuloy na rin niya ang hilig din sa pagsusulat ng tula. Pero mas mahilig pa lang magbasa ng libro si Bela noong bata siya.

“Pero noong grade school ako isinasali na ako sa mga essay writing contest o ‘yung mga gagawa ng book, in three hrs. Pero ngayon, may ginagawa na talaga akong libre, two years in the making na. Noon pa nila ako sinabihan, actually ‘Ang Probinsyano’ days pa. Story iyon, script na isinumite ko rito sa Viva. Gusto nila gawin ko munang libro bago namin i-shoot ang movie.

“Sa sobrang tagal ng paggawa, at sa hilig kong magbasa ng libro, napapangitan ako sa ginagawa kong libro kaya ang tendency lalong tumatagal ang pagsusulat ko. Gusto ko perfect. Naiko-compare ko kasi.

“Buo na ang script ko na may title na ‘Ngayon’. Mukhang in next 10 years ko pa mabubuo hahaha. Ang hirap pala kasing magsulat ng novel. Hindi iyon ang tipikal na ginagawa ng mga artista na libro about themselves or photos or coffee table book. Ito talaga fictional.

“Actually ‘yung isang character doon gagampanan ko. Kaya ko ibinigay kasi gusto kong gampanan ‘yung isang character doon. Pero malayo ‘yung character sa akin. Older.

“Kaya mas mauuna pang i-relase itong mga tula ko na ire-release na rin nila soon. ‘Yung book hindi pa ako nakakakalahati,” mahabang paliwanag pa ni Bela.

At habang nakikipaghuntahan kami kay Bela ay ini-request ng mga kasama naming press na gawan ng tula ang entertainment press na kaagad naman niyang pinaulanlakan. Binigyan niya iyon ng titulo na PressPlay.

Narito ang tulang iyon: “Faces that are familiar, faces that are kind. People with wide and open minds. They help us when we need them, when we have projects coming out. They ask us questions when they have doubts. To our friends from the press, thank you for today, when all of you make our work seem like play. Thank you for your time and thank you for your stories, may we be together on days with or without glory.”

Hindi man si Bela ang magbabasa ng tula sa pelikula, tiyak kong marami ang matutuwa kapag napanood ito dahil ukol ito sa isang binatang (JC) may diperensiya sa pananalita, si Fidel na ipinahiwatig niya kanyang pagmamahal kay Stella (Bela) sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.

Ang 100 Tula Para Kay Stella ay mula sa Viva Films at isa sa 12 pelikula na napili ng Film Development Council of the Philippines para makasama sa PPP.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *