Saturday , November 16 2024

P.4M illegal pesticides kompiskado ng FDA-REU (Department store sinalakay)

TINATAYANG umabot sa P400,000 halaga ng ilegal na household pesticides ang kinompiska ng mga operatiba ng Food and Drug Administration-Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) sa Novo department store at inaresto ang cashier nito, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. (BRIAN GEM BILASANO)
TINATAYANG P400,000 halaga ng ipinagbabawal na household pesticides ang kinompiska ng mga operatiba ng Food and Drug Administration-Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) sa isang department store at ina-resto ang cashier nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Pinangunahan ni FDA-REU Officer-In-Charge ret. General Allen Bantolo ang test-buy ope-ration dakong 3:45 pm at nang makabili ang poseur-buyer ay agad isinailalim sa product evaluation.

Nang makompirma ang ibinibentang ilegal na household pesticides ay agad ikinasa ang pagsalakay dakong 6:45 pm sa Novo department store sa panulukan ng Tayuman at A. Rivera Sts., Tondo, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud Division, mga tauhan ni Manila Police District (MPD) PS2 Supt. Santiago Pascual, sa pangunguna ni C/Insp. Gilbert Cruz.

Kinompiska ng raiding team ang mga produktong katulad ng Baoma mosquito coil, Read a Dream insecticide, at Butiki insecticide.

Habang inaresto ng mga awtoridad ang kahera ng department store na si Mary Grace Abucal.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9711 o “importing, distributing, selling and offering for sale of adulterated and unregistered household/urban hazardous substances” ang inarestong kahera na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *