ISANG ulat ang ating natanggap na umabot na raw sa tanggapan ng OMBUDSMAN ang lumabas na report tungkol sa anomalya ng pagkakaloob ng ‘instant’ recognition as Filipino citizens na naganap noong panahon ng panunungkulan ni RIP ‘este RPL (Ronaldo P. Ledesma) as Officer-In-Charge ng Bureau of Immigration (BI).
Umabot na umano ito noon sa kaalaman ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez nang may isinulong na formal complaint ang ilang concerned BI employees ng kagawaran tungkol sa nangyaring ‘citizenship for sale’ gaya nito.
Hindi raw kasi matanggap ng ilang empleyado na minsan ay nagawang pagkakitaan ang kanilang ahensiya gayong noong panahon na umupo as BI-OIC si RPL ay sandamakmak na empleyado muna ang sinibak para sa pagpapakitang-gilas umano sa nagpuwesto sa kanya na si former Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.
Tsk tsk tsk!
Kalakip umano sa isinumiteng complaint sa OMBUDSMAN ang mahigit sa 100 dokumento ng pinirmahang recognition ng kwestionableng intsik bilang ebidensiya.
Omeygad!
Karami pala!
Ayon sa complainants, hindi lang daw 100 tsekwa ang nakinabang noon sa instant Pinoy program ni Ledesma kundi umabot sa mahigit 300 aliens na karamihan ay mga taga-mainland China?!
Wattafak!?
Parang nag-feeding program lang sa public school huh?!
Dagdag pa riyan, umaabot raw sa 300 daang libo hanggang 500 daang libo ang singilan noon para ikaw ay mapagkalooban ng isang recognition?
Para palang tumama sa grand lotto ang mga sangkot diyan!
Siyempre mawawala ba sa eksena ang notoryus fixers ng Immigration na sina Betty Boop Chowchow at Anna Seymoh na pawang BFF ng ateng at inang?
Sila raw ang mga nagpasasa noong mga panahong ‘yun.
Kita n’yo naman hanggang ngayong panahon na ni Tatay Digong namamayagpag pa rin ang mga mag-BFF sa BI!
Mas mabuti siguro kung ngayon pa lang gumawa na ng imbestigasyon sina SOJ Vitaliano Aguirre at BI Commissioner Jaime Morente bago pa man umabot sa radar ng Kamara at Senado.
Panigurado marami ang papatol sa naturang issue lalo at involved ang bentahan ng PAGKAKAKILANLAN bilang isang FILIPINO!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com