Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Call center agent patay sa karnaper

PATAY ang isang call center agent nang barilin ng isa sa dalawang lalaking nagtangkang umagaw sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jayvee Dungon, 21, residente sa 201 6th Avenue, Brgy. 89, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib at braso.

Habang patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa hindi nakikilalang mga suspek, na ang isa ay nakaiwan ng cellphone sa pinangyarihan ng insidente.

Batay sa ulat nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Rodolfo King Bautista, dakong 1:30 am, binabagtas ni Dungon ang M.H. Del Pilar St., Brgy. 106 lulan ng kanyang motorsiklo na Isuzu Raider 150 (7141-NH), nang habulin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Hinarang ng mga suspek ang biktima, bumaba ang nakaangkas at inagaw ang motorsiklo ng call center agent. Pumalag ang biktima kaya pinagbabaril ng isa sa mga suspek at pagkaraan ay tumakas lulan ng kanilang motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang motorsiklo ng biktima na hindi natangay at ang dalawang cellphone na ang isa pag-aari ng isa sa mga suspek. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …