Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AWOL, handog ni Gerald sa mga sundalo

IBANG genre naman ang ipakikita ni Gerald Anderson sa rated B movie ng Cinema Evaluation Board at pinamahalaan ni Enzo Williams, ang AWOL. Ang AWOL ay isa sa entry sa Pista ng

Patutunayan ni Gerald ang kanyang versatility sa action-thriller na sumesentro sa pagiging elite sniper na si Lt. Abel Ibarra na sa paghahanap ng hustisya, iniwan ang pagiging militar.

Sa kabilang banda, medyo naniniwala si Gerald na nawawala na ang action movie dahil hindi na nakagagawa o kakaunti na lamang ang gumagawa nito.

“Mostly kasi ng mga pelikula ay romcom, drama, etc., its good to bring back action movie para mas maraming choices ang publiko. Mas marami silang mapapanood.”

Sinabi pa ni Gerald na masaya siya sa ‘AWOL’ “kahit maliit lang ang budget namin, sobrang maayos na lumabas.”

Masaya si Gerald dahil kahit maliit ang budget nilaý nagawa nilang maayos ang pelikula.

Iginiit pa ni Gerald na naiibang action film ang AWOL. “Hindi lang puro bakbakan, maganda ang kuwento tungkol sa pamilya, survival na gagawin mo lahat para sa bansa mo, pero mas gagawin mo lahat para sa pamilya mo.”

At nang tanungin si Gerald kung saan siya mas na-challenge? “Ito siguro (AWOL) dahil halos lahat ng eksena kasama ako and intense lahat. Physically mas challenging ito kaysa ‘OTJ; na hati ang exposure, kuwento.”

Kaya siguro nag-research pa si Gerald sa kanyang character at nag-train pa kasama ang mga totoong militar, scout rangers. “’Yung dalawang nakasama namin dito sa pelikula, nakasama sa Marawi, namatay. Kaya nga iniaalay ko ito sa kanila dahil nakasama ko sila sa shooting. Nalulungkot man pero naging masaya sila that time kasi nabigyan sila ng pahinga, ng breaker.”

Hindi rin itinago ni Gerald na malapit ang puso niya sa mga military kaya naman iginiit niyang ginawa nag pelikulang ito hindi para kumite, kundi para ipakita ang mga sakripisyong ginagawa ng mga sundalo para sa ating bansa.

Kasama rin ni Gerald sa AWOL sina Dianne Medina, Bernard Palanca, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Jeric Raval, with special participation of Bembol Roco. Isa rin ang AWOL sa kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na release ng Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …