Wednesday , December 25 2024

Drug bust sa Maynila at Caloocan pinaigting nang puspusan

DIBDIBAN ang muling pagpapatuloy na anti-drug campaign na ikinakasa ng mga tauhan ni Manila Police District (MPD) Director C/Supt Joel Napoleon Coronel sa kanilang area of responsibility bilang suporta sa Oplan Double Barrel reloaded na inilunsad ni C/PNP DG Ronald “Bato” Dela Rosa.

Base sa direktiba ni DD Coronel, sunod-sunod ang nagpapatuloy na anti-drug operation ng mga pulis-Maynila na halos 20 drug personalities na sinasabing markadong tulak ang nasawi nang manlaban sa mga pulis at hindi nagpahuli nang buhay sa Quiapo at Tondo area sa loob ng anim na araw.

Halos magkasabay na naglatag ng anti-drug bust ang MPD PS2 sa pamumuno ni Supt. Santiago Pascual at MPD PS3 sa pamumuno ni Supt. Tom Ibay at naging aktibo muli ang matitikas na Drug Enforcement Unit (DEU) ng dalawang estasyon na nagresulta sa pagkamatay nang mahigit sa 15 markadong tulak ng droga.


Hindi rin matatawaran ang mga pulis ng MPD PS3 sa magandang pamumuno ni Kernel Tom Ibay kaya’t nananatiling top operatives ng MPD ang sinasabing Mondragon boys sa pangunguna ni PS3 DEU C/Insp. Leandro ‘Coi’ Gutierrez.

Mula nitong nakaraang Huwebes, nang ilunsad muli ang anti-drug bust ng PS3, tinatayang 10 katao ang tumimbuwang at namaalam sa mundong ibabaw.

Nasundan ng isang tulak na balik-Quiapo ang napatay ng mga operatiba ng MPD PS3 DEU na pumalag sa isang alyas Tata Cactus ang isang tulak na matagal nang nagpalamig umano sa Bulacan pero nagbalik sa riverside ng Quiapo, Quinta Market upang humango umano ng droga na posibleng ibenta sa ibang lugar.

Patay rin ang dalawang notoryus na tirador na holdaper at tulak ng droga na naglulungga sa Manila North Cemetery makaraang matunton ng Mondragon Gangster Top operatives at manlaban kina Major Gutierrez kasama ang mga tropang Blumentritt PCP sa pangunguna ni Major Marlon Mallorca.

Lunes ng gabi hanggang madaling araw ng Martes, sinuyod ng mga pulis ni Kernel Tom Ibay ang Castillejos St., katuwang ang mahuhusay na DSOU na pinamumunuan ni Supt. Jay Dimaandal. Patay ang apat na tulak at arestado ang walo pang katao.

Ayon sa team leader ng operatiba ni C/Insp. Coi Gutierrez na si Tata Bong, dedikasyon at sipag ang kailangan upang mapagtagumpayan ang misyon at bisyon ng pulisya.

Aprub mga sir!

Hindi magpapahuli ang ibang estasyon gaya ng MPD PS10 na madalas rin ang anti-drug bust kahit hirap at pilit anila!

Ingat lang po sa endulto mga sir, gayahin ang ibang simple kung manghuli ng drug personalities pero kung manlalaban ang isang markadong personalities e tiyak na mayroon rin kalalagyan gaya ng matitinik na operatiba ng MPD PS7 sa pamununo ni Supt. Alex Daniel na tandem ang Anti-Crime at DEU boys nina S/Insp. Ness Vargas at S/Insp Action Fuggan!

Kudos mga sir!

Samantala, very visible at ramdam pa rin daw ng mga taga-Caloocan ang mahigpit na kampanya kontra droga ni Caloocan chief of police S/Supt Chito Bersaluna na binansagan na ngang berdugong drugbuster.

Nagpapasalamat ang mga residente sa 2nd at 3rd Avenue dahil unti-unti nang nababawasan ang mga notoryus na tulak at nawawala ang mga naglulunggang holdaper at tirador sa kanilang lugar.

Mabuhay kayo mga sir!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *