Sunday , December 22 2024

Trapik (Ikalawang Bahagi)

BUKOD sa kaugnayan ng ating mga “personal complex” sa “carmageddon” na ating dinaranas araw-araw, ang kasalukuyang sobrang bagal at nakabubugnot na trapiko ay bunga rin ng ilang dekadang kapabayaan at kawalan ng “foresight” ng mga nasa poder at kaakibat na pagbalewala ng taong bayan sa mga batas trapiko.

Ang “carmageddon” ay parang isang sakit na matagal na nakatago at ngayon lang lumalabas sa lipunan. Hindi ito isang biglaan na pangyayari o parang bula na pumutok. Ang ugat ng problemang ito ay nag-umpisa sa kauna-unahang sasakyan na “de motor” na inangkat sa ating bayan.

Simula noon ay hindi na naawat ang pagdami ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan ngunit wala namang kaakibat na pagpapalalim sa kaalaman sa “traffic management” at “road building.” Hindi kataka-taka na ngayon ay walang regulasyon sa pagmamay-ari ng mga sasakyan, walang alam ang drivers at pedestrians sa mga batas trapiko at kortesiya sa daan, at napakasama, dahil walang planning at harmony, ang pagkakagawa ng mga kalye sa ating mga lungsod.

Walang kagyat na solusyon sa “carmageddon” na dekada ang ugat. Kahit anong programa ang ipatupad ngayon ay walang mangyayari na pagluwag sa daloy ng mga sasakyan. Hangga’t hindi natutugunan ang pundamental na suliranin at hangga’t walang komprehensibong plataporma na tutugon sa pagdami ng sasakyan, kakulangan sa mga daan at kawalan ng kaalaman ng mga driver at pedestrian sa batas trapiko at kortesiya ay walang makabuluhang pagbabago ang mangyayari.

Gayonman ay may mga ilang mungkahi ang Usaping Bayan na ibig iparating sa mga kinauukulan na maaring pagsimulan ng pagbabago.

Ipagbawal ng vendor, jeepney at tricycle sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila;
Masusing sanayin sa traffic management at enforcement at bigyan ng tamang kagamitan ang enforcers;
Paraanin sa komprehensibong pag-aaral kaugnay ng mga batas trapiko at kortesiya ang mga kukuha ng lisensiya sa pagmamaneho;
Kagyat na patawan ng mabigat na kaparusahan tulad ng limang-taon pagkakabilanggo o mahal na penalty (P20,000 hanggang P50,000) ang mga driver at pedestrian na lalabag sa batas trapiko;
Sibakin agad sa tungkulin at ibilanggo nang limang taon ang mga enforcer na mangungurakot;
Ipagbawal sa mga walang garahe ang pagbili ng sasakyan;
Patawan ng 100 porsiyentong buwis ang pagmamay-ari ng sasakyan;
Magkaroon ng dalawa hanggang tatlong taon na moratorium sa pagbebenta ng sasakyan;
Laparan at dagdagan ang mga lansangan at gawing siyentipiko ang pagdidisenyo nito;
Palawakin ang sektor ng pampublikong transportasyon katulad ng bus, tren at ferry at bigyan ng insentibo ang mga may-ari nito;
Gawing suweldohan ang mga driver at alisin ang boundary system.

Ilan lamang ito sa mga maaring gawin at pagtulong-tulungan natin para matapos na ang “carmageddon.” (Wakas)

***

Ipinagtanggol ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pasya na idemanda sa Sandiganbayan ang isang dating gobernador na sumakabilang buhay na. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN

ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *