YUMANIG ang magnitude 3.9 quake malapit sa Pililla, Rizal dakong 12:31 am nitong Martes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Ang pagyanig na “tectonic in origin” ay naganap sa lalim na 9 kilometro. Iwinasto ng Phivolcs ang unang bulletin na ang lindol ay naganap malapit sa Mabitac, Laguna.
Ibinaba rin ito sa magnitude to 3.9, imbes na 4.2.
Naramdaman ang Intensity IV sa Pililla at Antipolo, Rizal; Intensity III sa Angono, Rizal; Intensity II sa Tanay, Rizal; Manila, at Pasig City.
Habang Intensity I sa Quezon City, at sa Lucban, Quezon.