PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang desisyon na pahintulutan ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, isang buwan bago ang ika-100 kaarawan ng dating lider.
Sa botong 10-5, ibinasura ng SC ang magkakahiwalay na apela na baliktarin ang November 8 ruling na nagpahintulot para ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Ibinasura ng mga mahistrado ang apela na muling hukayin ang labi ni Marcos, na isinulong ni Albay Rep. Edcel Lagman.
Ang dating strongman ay palihim na inihimlay sa Libingan ng mga Bayani noong 18 Nobyembre, nagresulta sa mga protesta mula sa iba’t ibang grupo.