Saturday , November 16 2024

Utos ni Aguirre sa NBI: Tagong yaman ni Bautista imbestigahan

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI), na busisiin ang bintang ng misis ni Commission on Elections (Comelec) chief Andres Bautista na siya ay may itinatagong halos P1-bilyon yaman.

Nitong Lunes, inilabas ni Aguirre ang Department Order 517, nag-uutos sa NBI na imbestigahan at magbuo ng kaso base sa isinumiteng affidavit ni Patricia Paz Cruz Bautista sa NBI, nag-aakusa sa Comelec chief nang bigong paglalahad ng “pertinent information” sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Aalamin din sa nasabing imbestigasyon kung lumabag si Bautista sa Anti-Money Laundering Act at iba pang kaugnay na mga batas.

Nagpahayag ng kahandaan si Bautista sa pagharap sa nasabing imbestigasyon.

“We will welcome any investigation,” aniya sa press conference.

Ayon sa asawa ni Bautista, ayaw niyang isipin ng mga tao na kasabwat siya posibleng illegal activities ng kanyang mister habang nakaupo sa Comelec.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *