INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson, tanging mahihirap ngunit kara-pat-dapat na mga estudyante ang dapat makinabang sa bagong batas na nagkalaloob ng libreng tuition para sa state universities and colleges (SUCs).
“Kailangan, malinaw sa IRR (implementing rules and regulations) na deserving students,” ayon kay Lacson.
“Kung gagastusan ng pamahalaan ‘yung mga bulakbolero, bulakbolera at mga bobong estud-yante, hindi naman siguro nararapat ‘yun. Dapat ‘yung mahihirap at mga deserving na estudyante,” dagdag niya.
Nitong Huwebes, pi-nirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 10931 o ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na nagkakaloob ng libreng tuition para sa SUCs, local universities and colleges at technical-vocational institutions.
Ngunit sinabi ni Lacson, dapat mayroong mekanismo na sasala sa mga estudyante na talagang karapat-dapat sa libreng tuition upang hindi gumastos nang husto ang gobyerno.
“Dapat salain din. Otherwise napakalaki ng gagastusin natin. E kung paulit-ulit, nakakalimang taon na first year college pa rin, hindi naman tayo papayag doon,” aniya.
Ang Kongreso ay dapat din aniyang magkaroon ng oversight body na susuriin kung ang batas ay maayos na naipatutupad, ayon kay Lacson.
“Kailangan may oversight ang Kongreso para makita na ‘yung batas ay masusunod din,” aniya pa.
PORK BARREL GAMITIN
SA LIBRENG TUITION
IMINUNGKAHI ni Senador Panfilo Lacson ang pagtanggal sa ‘pork barrel’ funds mula sa 2018 national budget at gamitin ito bilang pondo sa kapapasang libreng tuition para sa state universities and colleges (SUCs).
Sa panayam, sinabi ni Lacson, ang Kongreso ay dapat maghanap ng mga paraan upang mapondohan ang free tuition para sa public college and university students, nga-yong mayroon nang batas para rito.
“Walang inilagay ang Malacañang [na budget], so Congress na ang maghahanap ng pondo para sa free tuition dahil may basehan na, may batas,” aniya.
Gayonman, nagpahayag ng pagkaalarma ang senador na ang pondo para sa nasabing batas ay maaaring kunin sa mga ahensiyang may mahalagang tungkulin.
“Huwag natin bawasan ‘yung ahensiya na nangangailangan ng pondo,” aniya.
Iminungkahi ni Lacson na i-re-allocate ang bahagi ng discretionary funds ng mga senador at kongresista.
“Sa pag-aaral namin, ito gusto ko rin i-take up sa budget deliberations, pina-finalize pa namin, pero may kongresista na nakakuha ng P5 bilyon, may kongresista na nakakuha ng P6 bilyon. Individual ito na pork barrel,” pahayag ni Lacson, tumutukoy sa budget nitong nakaraang taon.
“Kung saan-saan kinukuha ito at pina-part na nila sa mga ahensiya na kausap na nila ‘yung mga head agencies. Ito ay the usual, call it any name you want pero in my book, pork barrel pa rin ‘yan,” dagdag niya.
“Ang hope lang sana, alisin na lang ‘yung mga pork ng mga kongresista at mga senador at ‘yun ang ilaang budget para sa free tuition,” dagdag niya.
Nitong Nobyembre 2013, idineklara ng Supreme Court ang “pork barrel” bilang unconstitutional.