Sunday , April 6 2025

P675/day NCR wage giit ng labor group

DAPAT magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide, across-the-board wage hike ng kahit P184 kada araw upang makasabay ang mga manggagawa sa pagtaas ng “cost of living” sa gitna ng pagbagsak ng “purchasing power” ipinuntong ang huling “significant pay hike” ay naganap noong 1989, o 28 taon na ang nakararaan.

Sinabi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang mungkahing P184-per-day hike ay bilang dagdag sa P491 daily minimum wage sa national capital region (NCR), o kabuuang P675.

Ang panawagang ito ay isinagawa ng ALU-TUCP bago ang gagana-ping Metro Manila wage board meeting para sa deliberasyon sa posibleng dagdag-sahod.

Ayon sa grupo, ang punong ehekutibo ay maraming opsiyon para sa pagpapatupad nang sapat na dagdag-sahod.

“President Duterte can text or call the wage board and prod them the amount of wage increase that he desires and it will be done,” ayon sa grupo.

Maaari rin anilang mag-isyu ang pangulo ng “presidential executive order mandating a wage increase amount needed by workers and their fa-milies to cope with and survive amid increasing prices of goods and services,” dagdag ng grupo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *