Saturday , November 16 2024

Nagtatapon ng basura sa Pasig River, mananagot — Goitia

NAGBABALA ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa mga indibiwal o kompanya na mahuhuling nagtatapon ng kanilang mga basura sa Pasig River.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” Gotia hindi lamang solidong basura kundi maging liquid wastes ang ipinagbabawal na itapon sa Ilog Pasig.

Inilinaw ni Goitia na binigyan sila ng awtorisasyon ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Jaime Medina na manghuli ng mga tao na madarakip sa aktong nagtatapon ng basura sa Pasig River at maging sa tributaries o daluyan ng tubig patungo sa ilog.

Sinabi ni Goitia na maaaring kasuhan at maparusahan ang madarakip sa ilalim ng R.A. 9003 o mas kilala bilang Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at iba pang batas at regulasyon na may kaugnayan sa kapaligiran.

“I urge individuals and companies along the Pasig River and its tributaries not to take this warning lightly or to test our will in cleaning up the Pasig River. We have the wherewithal and commitment to carry out our mandate,” giit ni Goitia sabay diing kinuha ng LLDA ang PRRC bilang kinatawan nila sa pag-aresto sa mga magtatapon ng basura.

Bumuo na rin si Goitia na presidente rin ng PDP Laban San Juan City Council ng law enforcement unit sa PRRC para matapos na ang ilegal na pagtatapon ng iba’t ibang uri ng basura sa ilog.

Ang law enforcement unit ay bubuuin ng River Patrol at River Warrior forces ng PRRC at ng River Watch na magpapatupad ng batas na may koordinasyon sa Philippine National Police.

“We have deployed River Watchmen in strategic areas along the Pasig. They are there on any working day, holiday, or weekend, so I warn people to think twice before dumping waste into the river,” ani Goitia.

“Resource permitting, we intend to increase the number of river watchmen in the coming months.” Ang PRRC ang pangunahing komisyon ng gobyerno na naatasan na linisin, paunlarin at pagandahin, ibalik sa da-ting linis ang tubig ng ilog ng Pasig at maging sa mga mamamayan na nasa paligid ng ilog.

“The PRRC works hand in hand with other relevant government agencies, like the LLDA and the PNP, to prevent the Pasig from being used as a garbage dump, to ensure that it is rehabilitated to its historically pristine condition conducive to transport, recreation, and tourism,” dagdag ni Goitia.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *