Saturday , November 16 2024
SSS

SSS naglaan ng P74-M calamity loan para sa Marawi at Ormoc

Naglaan ang Social Security System (SSS) ng halos P74 na milyon para ipautang sa mga miyembro nitong naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City at ng lindol sa Ormoc, Leyte.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, maaari nang mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP) simula ngayong araw na ito, Agosto 2, 2017.

“Maaaring mangutang ng hanggang P16,000 sa ilalim ng CLAP o di kaya’y batay sa kanilang average monthly salary credit at maaari nilang simulang bayaran ito makalipas ang tatlong buwan mula nang matanggap nila ang loan,” ani ni Dooc.

Ipinaliwanag ni Dooc na ang calamity loan ay bago at hiwalay na pautang sa regular na salary loan na inaalok ng pension fund. Noon, ang ipinapatupad ng SSS tuwing may kalamidad ay ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) kung saan pinapayagang mag-renew ng salary loan ang mga miyembro kahit na hindi pa bayad ang 50 porsyento ng naunang loan na isang polisiya sa salary loan renewal. Sa SLERP, iniaawas ang naunang salary loan.

“Inisyatibo po ng SS Commission na pinamumunuan ni Amado Valdez ang calamity loan dahil nakita nilang malaki ang maitutulong nito sa mga miyembro na matindi ang pangangailangan dahil biktima ng kalamidad,” dagdag pa niya.

Ang calamity loan ay isa lamang sa tatlong tulong na ibinibigay ng SSS sa oras ng kalamidad. Ang ikalawa ay ang paunang tatlong buwanang pensyon ng mga retirado at ikatlo ang mas mababang interes ng Direct House Repair and Improvement Loan Program.

Batay sa datos ng SSS Member Loans Department, aabot sa 56,000 ang miyembro ng pension fund na napinsala ng 6.5-magnitude na lindol sa Ormoc, Leyte noong Hulyo 10. Mula sa kabuuang bilang ng mga apektadong miyembro, tinatayang halos 5,600 ang potensyal na mangungutang at may average monthly salary credit silang P10,000.

Gayundin, nasa 1,810 miyembro ang apektado ng kasalukuyang kaguluhan sa Marawi City na may average monthly salary credit na P10,000.

Ayon sa SSS, ang mga aktibong miyembro na maaaring mag-avail ng loan program ay kinakailangang may 36 buwanang kontribusyon kung saan ang anim na buwan dito ay nakatala sa SSS sa huling 12 buwan bago ang pagsumite ng aplikasyon.

Kinakailangan ding sila ay residente ng mga idineklarang calamity areas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

“Pinaaalalahanan po natin ang ating mga miyembro na nais mangutang na hindi po sila makaka-avail ng CLAP kung sila ay nag-avail ng Loan Restructuring Program noong nakaraang taon hanggang Abril ngayong taon at kung mayroon pa silang pagkakautang sa ilalim ng mga naunang CLAP,” ani ni Dooc.

Maaari ring mag-avail ng loan sa ilalim ng CLAP ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maaaring bayaran ito sa loob ng dalawang taon na hahatiin sa 24 monthly installments.

Kinakailangan na ang OFW ay residente ng mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng kalamidad upang maka-avail ng loan at dapat mag-isyu ng authorization letter sa kanyang kinatawan upang magsumite ng kanilang CLAP application.

Samantala, ang mga pensyonado naman sa mga nabanggit na lugar ay maaaring mag-avail ng kanilang three-month advance pension simula ngayon, Agosto 2 hanggang Oktubre 31, 2017.

“Upang mas mapadali at mapabilis ang pagtanggap ng mga aplikasyon, ipinatutupad ang “File Anywhere” na polisiya kaya lahat ng SSS branches ay maaaring tumanggap ng aplikasyon ng advance three-month pension,” sabi ni Dooc.

“Sinisiguro ng SSS na maipaaabot natin ang tulong sa mga apektadong miyembro ng lindol sa Ormoc at giyera sa Marawi. Malaking tulong ang pautang para sa mga miyembro upang makapagsimula silang muli pagkatapos ng kalunos-lunos na karanasan, idinagdag pa niya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *