Thursday , December 26 2024

Quality Genre films, tampok sa Pista ng Pelikulang Pilipino

INILUNSAD noong Huwebes ng Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng chairman nitong si Liza Dino ang pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa Agosto 16-22.

Labindalawang pelikula ang kalahok sa PPP na magsisimula na isang linggong mapapanood sa mga sinehan sa Metro Manila. Ang mala-fiestang tema ng PPP ay nagtatampok sa iba’t ibang klase ng genre na makapipili ang mga manonood.

Kasabay nito, inihayag naman ng Globe Telecom ang pakikiisa nila sa FDCP sa pamamagitan ng PPP para sa kanilang #PlayItRight advocacy, isang anti-piracy advocacy na layuning mabago ang mindset at pag-uugali ng Pinoy sa panonood ng pelikula.

Sa pagbabandera ng PPP, naipakikita ng Globe ang kanilang suporta sa Philippine movie industry. Ang PPP ay mayroong pinakamalaking bilang ng pagpapalabas ng pelikula nationwide na mayroong 790 theaters na magpapalabas sa 12 kalahok na napili.

“We intend to elevate the quality of entertainment in the country. There’s boundless supply of talent in the Philippines which may bring great movies, awe-inspiring theater productions, and exciting content but it also entails educating consumers to partronize these movies, shoiws and content only through legitimate means. By supporting the #PlayItRight campiang, everyone will get the opportunity to experience quality and sage entertainment wherever they are and in whichever from they want,—whether film, digital or theater,” anang Globe Chief Commercial Officer na si Albert De Larrazabal.

Ang 12 pelikulang kasama sa PPP ay ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Communications, Inc, at pinagbibidahan nina JC Santos at Bela Padilla at pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana; Ang Manananggal Sa Unit 23 B ng The IdeaFirst Company, pinagbibidahan nina Ryza Cenon at Martin Del Rosario at idinirehe ni Prime Cruz; AWOL ng Skylight na bida sina Gerald Anderson, Dianne Medina, at Bembol Roco at idinirehe ni Enzo Williams; Bar Boys ni Kip Oebanda ng Tropic Frills, Inc., at pinagbibidahan nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, at Odette Khan;Birdshot ni Mikhail Red ng TBA Studios at pinagbibidahan nina Arnold Reyes, Mary Joy Apostol, Ku Aquino, at John Arcilla; Hamog ng CPI/Cinema One ni Ralston Joven at pinagbibidahan nina Zaijian Jaranill at Therese Malvar.

Kasama rin ang Paglipay na pinamahalaan ni Zig Dulay at mula sa TOFARM na bida sina Garry Cabalic, Joan Dela Cruz, at Anna Luna; Patay Na Si Jesus ni Victor Villanueva handog ng T-Rex Entertainment Production at pinagbibidahan nina Jaclyn Jose, Chai Fonacier, Vincent Viado, Mailes Kanapi, Melde Montanez, Sheenly Gener, at Olive Nieto; Pauwi Na ni Paolo Villaluna ng Universal Harvester Inc., at pinagbibidahan nina Bembol Rocco, Cherry Pie Picache, Meryl Soriano, Jerald Napoles, Jess Mendoza, at Chai Fonacier; Salvage ng CPI/Cinema One na idinirehe ni Sherad Sanchez at pinagbibidahan naman nina Jessy Mendiola at JC De Vera; Star Na Si Van Damme Stallone ng Unitel x Straight Shooters na pinamahalaan niRandolph Longjas at pinagbibidahan nina Paolo Pingol, Candy Pangilinan, Sara Brankensiek, at Ebon Joson; at Triptiko ni Miguel Michele ngMichelena Brothers Production at pinagbibidahan nina Albi Casino, Joseph Marco, Kean Cipriano, at Kylie Padilla.

“We are proud of this incredible roster of films that we are showcasing for ‘Pista’. As this is the first time that we are partnering with all the theaters for massive event for the whole country, we hope that we get the support of all Filipinos by watching the films,” giit naman ni FDCP Chair Dino sa isinagawang press conference sa Seda Vertis North, Quezon City.

Bukod sa Globe, kasama rin ang NCCA, MTRCB, PCOO, PIA, Komisyon sa Wikang Filipino, MMDA, National Parks Committee, DPWH, ULAP, Sip Water, Vikings, WhiteSpace, Inc. Sequoia Hotel, at Optima Digital.

“This is not just a film showing event, but really a celebration of films that are distinctly ours and which we can connect and identify with. We are glad that we have the support and advocacy partnership with Globe for their anti-piracy campaign to make PPP more meaningful,” saad pa ni Dino.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *