Friday , November 15 2024

Pakikinabangan ng lahat ang malinis na Ilog Pasig

NAGKAGULO ang mga taga-BASECO Compound sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon nang dumalaw sa kanilang komunidad si Senador Manny Pacquiao kasama sina Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, Laguna Lake Development Authority (LLDA) Project Development Management and Evaluation Diviison Chief Engr. Jun Paul Mistica na kumatawan kay LLDA General Manager Jaime Medina at PRRC consultant Retired Colonel Danilo Enriquez.

Kahit naulanan ng buhangin paglapag ng mga helikopter na sinakyan nina Pacquiao, Goitia at iba pang opisyales ng PRRC at LLDA, hindi napigilan ang mga taga-Brgy. 649, Gasangan sa BASECO Compound na magsiakyat sa bubong matanaw lamang nang mabuti ang senador na ngayon lamang nila nakita nang personal.

Katatapos lamang ng joint aerial inspection ng grupo nina Pacquiao at Ka Pep para sa komprehensibong proyekto na magpapaunlad sa Ilog Pasig kaya sinadya nila ang PRRC Mangrove Nursery & Livelihood Monitoring Operations sa lugar kung saan nakita ni Pacquiao ang mga proyekto ng ahensiyang personal na pinatulungan sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nabansagan ngayong “Kampeon ng Pasig River.”

Kasama si Ka Pep, binusisi ni Pacquiao ang mga produktong nalilikha ng PRRC mula sa water hyacinth na mas kilala nating water lily at sinubukan niyang maghabi gamit ang mga pinatuyong hibla ng halamang-tubig na pinagkakakitaan ngayon ng taga-BASECO Compound.

Ngunit magandang balita na inihayag ni Ka Pep sa kauna-unang pagkakataon, napili ang Pasig River bilang finalist ng International River Foundation (IRF) sa 2017 Thiess International Riverprize na kumikilala at nagbibigay gantimpala sa mga organisasyon ng mga bansa na may pinakamahusay na programa hinggil sa restorasyon at pangangasiwa ng ilog.

Ayon nga kay Ka Pep, isang malaking karangalan na maging finalist sa naturang prestihiyosong award dahil tanging ang Filipinas lamang ang third world at developing country na nakapasok sa finals para sa taong ito na makikipagsabayan kontra sa dalawang higanteng bansa — ang United States at United Kingdom.

Ani Goitia: “Ang mapabilang na finalist ang ating Ilog Pasig sa 2017 Thiess International Riverprize ay resulta ng pagpupunyagi ng PRRC simula nang matatag ito noong 1999 matapos mismong si Thiess International Riverprize Chairman of the judging panel na si Professor Bill Dennison ang bumati sa PRRC na napabilang sa finalists na may pinakamataas na karangalan sa restorasyon at proteksiyon ng ilog.

Ipinabatid naman ni Dennison na tumanggap ang IRF ng record number na 31 submissions at higit pang tumaas ang kalidad ng mga kalahok na kanilang natanggap.

Kung ikokonsiderang idineklara noong 1990s na “biologically dead” ang Pasig River, sa pamamagitan ng PRRC ay nakaigpaw ang Ilog Pasig sa pinakamasamang katergorya lalo’t may mga isda nang nahuhuli ngayon sa naturang lawas-tubig.

Nagsisikap sa kasalukuyan ang PRRC para hilingin sa lahat ng mamamayan na “Pusuan ang Ilog Pasig,” isang kampanya para matutuhan ng lahat na mahalin ang ilog na naging bahagi na ng ating kasaysayan.

Kung matutuloy ang iba’t ibang proyekto sa pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, tiyak na magtatagumpay ang sambayanang Filipino na lubusang masagip ang Pasig River na mapapakinabangan sa turismo at transportasyon at babawas nang 40 porsiyento sa grabeng trapik sa Kamaynilaan bukod sa magkakaloob ng libo-libong trabaho sa mamamayan.

ABOT-SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *