Saturday , November 16 2024

Mas mabigat na parusa vs ospital aprub kay Digong (Kung tatanggi sa pasyente)

NILAGDAAN bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital at clinic na tatanggi sa pasyente sa emergency o serious cases dahil walang maibigay na deposito.

Sa ilalim ng Republic Act 10392, bilang amiyenda sa Anti-Hospital Deposit Law, ipagbabawal sa hospital o clinic na mag-request, mag-solicit, mag-demand o tumanggap ng ano mang deposito o ibang porma ng advance payment bilang “pre-requisite” bago lapatan ng lunas ang sino mang pasyente.

Sa RA 10392, itinaas ang multa laban sa sino mang practitioner o empleyado ng ospital o medical clinic, na lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law, sa P100,000 ngunit hindi lalagpas nang P300,000.

Noon, sa ilalim ng Batas Pambansa Bilang 702, inamiyendahan ng RA 8344, ang multa sa katulad na paglabag ay mula P20,000 hanggang P100,000.

Kapag napatunayang nilabag ang batas dahil sa polisiya ng ospital, ang director o opisyal ng ospital o clinic na responsable sa pagbubuo at pagpapatupad ng katulad na polisiya ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon. Sa dating batas, ang multa ay itinakda lamang sa P100,000 hanggang P500,000.

Ang hukom ay may opsiyon din na patawan ang lalabag ng parusang pagkabilanggo.

Maaari rin bawiin ang lisensiya ng ospital o clinic kung nilabag nang tatlong beses ang nasabing batas.

“The president, chairman, board of directors, or trustees and other officers of the health facility shall be solidarily liable for damages that may be awarded by the court to the patient-complainant,” nakasaad sa nasabing batas.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *