NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) kahapon ng lookout bulletin laban kay Ricardo “Arthur” Parojinog, kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog.
Ang lookout order ay inisyu kaugnay sa madugong serye ng pagsalakay sa mga bahay ng mga Parojinog nitong Linggo.
Sinabi ng DoJ, may natagpuang mga baril at bala ang mga pulis sa bahay ni Ricardo. Wala si Ricardo nang salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay.
“Considering the gravity of the offense/s possibly committed, there is a strong possibility that the foregoing personality may attempt to place himself beyond the reach of the legal processes of this Department by leaving the country,” ayon sa DOJ.
Ang mga pagsalakay ay nagresulta sa pagkamatay ng alkalde at 15 iba pa.
Si Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog at kanyang kapatid na si Reynaldo Parojinog, Jr. ay inaresto kasunod ng nasabing pagsalakay.
Si Ricardo ay incumbent councilor ng Ozamiz City at dating board member ng Misamis.
Nitong Huwebes, sinabi ng DoJ, may nakitang probable cause para sampahan ng illegal possession of drugs at illegal possession of deadly weapons ang vice mayor at kanyang kapatid.