Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, 100 linggo nang numero uno sa telebisyon

TUWANG-TUWA ang lahat ng bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hanggang ngayoý hindi pa rin sila binibitiwan ng televiewers. Tulad kagabi, nakakuha ito ng 40.6 percent ratings nationwide samantalang 42.8 percent naman sa rural base sa Kantar Media.

Nasa ika-100 na lingo na ang FPJAP pero patuloy na nangunguna ang action-seryeng ito na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman isang enggrandeng pasasalamat ang handog ng nangungunang teleserye na nagpapakita ng kabayanihan at katatagan na sumasalamin sa pamilyang Filipino gabi-gabi.

“Masaya ako dahil kahit umabot na kami ng 100 na linggo, hindi pa rin nawawala ang suporta ng mga tao. Dahil sa kanila kaya namin pinagbubuti ang aming trabaho,” ani Coco. “Hindi kami magsasawang maghandog ng mga bagong eksena na siguradong kapupulutan ng aral ng lahat.”

At bilang parte ng kanilang pasasalamat, mas maraming pasabog pa ang sasalubong sa mga manonood dahil may mga bagong karakter na muling makikilala sa mga panibagong hamong haharapin ni Cardo (Coco) bilang parte ng Special Action Force (SAF).

Mula noong Setyembre 2015, hindi na natinag sa pangunguna sa national TV ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano na nagtala ng all-time high national TV rating na 46.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Sa halos dalawang taong pamamayagpag nito, maraming palabas na rin ang sumubok tumapat sa serye pero nanatili pa rin dito ang mainit na pagmamahal ng Kapamilya viewers.

Naging daan din ang action-seryeng ito para muling mapanood ang ilang sikat na action stars gaya nina Lito Lapid, John Regala, Jess Lapid, Victor Neri, at Efren Reyes, Jr. at muling ipakita ang kanilang galing sa telebisyon.

Bukod naman sa telebisyon, umabot na rin ang aksiyon ng palabas hanggang sa digital world dahil kasalukuyan nang nalalaro ang FPJ’s Ang Probinsyano game app na mayroon nang halos isang milyong downloads.

Tuloy-tuloy din ang paghahandog nito ng tulong sa mga nangagailangan sa ginanap na Saludo sa Sundalong Pilipino ng ABS-CBN noong Huwebes (Aug 3), na naghandog ng kasiyahan at tulong ang cast ng programa sa mga sundalong lumaban sa giyera sa Marawi.

Maliban naman sa aksiyon, lubos ding hinangaan ang palabas sa pagpapamalas nito ng kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya at kabayanihan. Naging daan din ang Ligtas Tips, ang infomercial ng palabas, na ngayon ay mabibili na rin bilang libro, sa pagsisiwalat ng iba’t ibang modus at krimen gaya ng budol-budol, child trafficking, at carnapping.

Umani na rin ang palabas ng papuri mula sa House of the Representatives at ilang opisyal ng gobyerno gaya nina Philippine National Police chief Ronald “Bato” Dela Rosa at Department of Interior and Local Government secretary Mike Sueno sa pagiging parte nito ng pagpapalaganap ng kaalaman upang mas maging ligtas ang mga tao mula sa mga krimen.

Dahil nga sa kuwento nitong sumasalamin sa pamilyang Filipino, ilang award-giving bodies na rin ang nagbigay parangal sa programa gaya ng Catholic Mass Media Awards, KBP Golden Dove Awards, at Box Office Entertainment Awards, na nakakuha ang serye ng walong parangal, kauna-unahan sa kasaysayan ng awards show.

Sa kabuuan, mayroon ng 79 pagkilala ang FPJ’s Ang Probinsyano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …