ANG kuwentuhan noong isang gabi, mabuti iyong serye ni Coco Martin sa TV, at lahat ng mga artistang wala nang career ay natutulungan. Wala mang ibang kumukuha sa kanya sa loob ng mahabang panahon, bigla silang nagkaroon ng pag-asa ulit dahil kinuha sila sa serye ni Coco. Kahit ba maliit na role lang iyan eh, at least nakita sila sa TV at naalalang artista nga pala sila.
Pero ang ganoon ay maaaring gawin sa serye ni Coco dahil talagang mataas na ang ratings niyon at saka hindi naman siya naantig man lang ng nakalaban niyang programa. Kaya nga siguro nagagawa nila iyong testing ground kung mapapansin pa ba ang mga dating artistang wala nang career ganoon din ang mga baguhang wala pang career.
Ang latest na sinasabing nasadlak din sa serye ni Coco ay si Aljur Abrenica na tumakbo naman sa ABS-CBN matapos na hayaan ng GMA 7 na mag-expire na lang ang kontrata sa kanila. Ayos din naman iyon.
HATAWAN – Ed de Leon