Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang concert ni Jake Zyrus, inaabangan!

PINAG-UUSAPAN at inaabangan na ang kauna-unahang concert ni Jake Zyrus na mas nakilala sa buong mundo bilang ang singer na si Charice Pempengco.

Pagkatapos magpalit ng kanyang screen name upang mas maipahayag ang kanyang male gender identity ay muli itong babalik sa concert stage. Ang concert na may pamagat na I Am Jake Zyrus ay gaganapin sa October 6, 8:00 p.m. sa Music Museum.

“I am so happy about this concert dahil finally ma-e-express ko ang tunay kong sarili. Excited ako sa mga kantang ipe-perform ko sa show,” sambit ni Jake.

Mixed emotions man ang nagmula sa publiko at mga fan ni Jake, hindi ito magiging hadlang para patuloy niyang i-share ang kanyang singing talent lalo na sa mga nagpakita ng respeto at pagmahahal sa kanya. Maraming dapat abangan sa show lalo na’t may nakapapasin sa pagbaba ng tono ng boses ni Jake.

Ngunit sinigurado ng singer na hindi masasawi ang kanyang fans at manonood ng show. Puspusan ang gagawin niyang paghahanda para mapaganda ang concert at pag-iisipan niyang mabuti ang kanyang mga aawitin. Siyempre pa, kasama sa line up of songs ang latest single niyang Hiling na nakatatanggap ng magandang radio airplay ngayon.

Bukod sa ilang surprise guests, makakasama ni Jake bilang musical director si Troy Laureta. Si Troy ay isang Filipino-American musical director, keyboardist, at record producer na matagal na niyang nakaka-trabaho sa shows. Kabilang pa sa ibang nakatrabaho ni Troy ay ang mga international artists na sina David Foster, Ariana Grande, Deborah Cox, Iggy Azalea, at iba pa.

Ang I Am Jake Zyrus ay ipinrodyus ng The Mad Union Entertainment Production at Echo Jham Productions, sa pakikipagtulungan ng Star Music atStar Events. Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng P4,000 (na may kasamang meet & greet at autographed poster), P3,200, P2,500, P1,800, at P1,000. Mabibili ang tiket sa Music Museum (721-6276), Ticketworld (891-9999), at SM Tickets (470-2222). Follow Jake Zyrus (@teamjakezyrus on Facebook, Twitter, and Instagram) for more updates.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …