MASAYANG naitsika ni Jessy Mendiola nang makausap namin ito bago ang preview ng horror movie nila ni JC de Vera mula Cinema One Originals at isa sa kalahok sa 10 pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang Salvage na ipinakilala na niya sa kanyang ama ang BF na si Luis Manzano.
Ani Jessy, ”Actually siya ang pinakaunang lalaking ipina-meet ko sa Daddy ko. Sabi ko nga sa kanya, ‘suwerte mo ha ikaw ‘yung pinakaunang ipinakilala ko, nagustuhan ka pa,’ so ‘yun.”
Nagustuhan ng Daddy ni Jessy ang TV host dahil pareho ang mga ito ng humor.”Sabi kasi ng daddy ko, ‘I like him, he’s so funny like me.’ So ‘yun nagkasundo sila agad. Minsan sila na ‘yung nagbabatuhan ng jokes. Sila na ‘yung nag-uusap. Mahilig din sila parehas sa mga gadget. Ako tanga ako sa mga technology. Pero sila, roon sila nagba-bonding, pati sa humor nila. So I guess all is well naman both.”
Naikuwento pa ni Jessy na lagi nilang napag-uusapan ni Luis ang ukol sa kasal.
“Lagi naming napag-uusapan, umaga hanggang gabi. Pero alam niya na I’m not yet ready. I have so much to do. I want to do so much, and he’s willing to wait naman and I think that’s good,” nangingiti pang kuwento ng aktres.
Samantala, ang footage film na Salvage ay idinirehe ni Sherad Anthony Sanchez, at isa sa mga special presentation films sa 2015 Cinema One Originals filmfest. Natanggap nito ang Best Film Editing award mula sa Young Critics Circle noong nakaraang taon.
Ayon sa review na isinulat ni Skilty Labastilla sa YCC Film Desk, hindi lang basta sa kuwento umaasa ang Salvage para mahatak ang mga manonood, sa halip, pinapapasok sila ng pelikula sa misteryo at patuloy na paghihirap ng mga karakter. Patunay nito ang huling 209 minuto ng palabas na nagpamalas ito ng kakaibang paggamit ng mga camera angel, editing, ilaw at tunog, at magaling na pagganap ng mga artista para makapagbigay ng isang maipagmamalakding obra.
Abangan ang Salvage nina Jessy at JC sa pinakaunang Pista ng Pelikulang Pilipinosa Agosto 16-22 sa mga tampok na sinehan.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio