Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Kuwentohang media at pulis

KAMAKAILAN ay nagsadya ang ilang mamamahayag sa MPD PS1 sa Raxabago St., Tondo, Maynila para hingan ng pahayag si Capt. Dino Venturina sa isyu kung sino ang deputy station commander ni PS1 station commander Supt. Ruben Ramos.

Ito po ang naging tema ng pakikipanayam namin kay Capt Venturina:

Media: Sino po ba sa palagay ninyo ang uupong deputy ni Kernel Ramos?

Capt. Dino: Sa lahat-lahat ay ako na ang pinaka-senior sa ranggong kapitan kung kaya’t ako ang matik na deputy at inatasan ni hepe.

Media: ‘Di kayo na po ang may hawak sa kanilang lahat kasama na ang mga nakaupong detachment commander gaya nina Capt. Linggit, Del Rosario, Capt. Serano at Capt. Co na tulad ninyong kapitan rin ang ranggo?

Capt. Dino: Tama iyon, bukod sa station commander ay ako na rin ang may hawak sa kanila.

Media: Husay ninyo Captain, congrats sir!

Capt. Dino: Bago tayo maghiwa-hiwalay ay may mahalaga akong sasabihin…

Media: Suspense sir ha! Anong mahalaga ba ang sasabihin ninyo sir?

Capt. Dino: Isa lang ang mahalagang dapat ninyong malaman, na maliban sa hawak ko ang personnel ay isa lang ang hindi ko hawak at talagang hindi mahawakan.

Media: Ano iyon Kapitan?

Capt. Dino: Pera mga kaibigan, iyan lang ang hindi ko hawak…

Hehehe…


PANAGUTIN ANG NASA
LIKOD NG P6-B SHABU
NA LUMUSOT SA BOC

Panagutin at pigain ang mga taong nasa likod ng P6-B halaga ng shabu na nasamsam ng awtoridad makaraang lumusot o posibleng napalusot sa Bureau of Customs.

Nasakote sa isang warehouse sa Valenzuela City ang talaga namang nakalululang halaga ng droga na naipuslit papasok ng bansa nang walang aberya nang dumaan sa BoC.

Parang dagok at sampal sa gobyerno ito sa kabila ng pinaigting na giyera laban sa ilegal na droga na inilunsad ng ating Pangulo.

Nakaiinsulto ang ginawa nitong mga damontres na tila walang konsensiya man lang!

Ipinapalagay na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagpalusot ng ilegal na droga ang mga taong nasa likod nito.

Sa inquiry na isinasagawa ng Kamara at Senado, sana’y mahukay na talaga nila hindi lamang ang puno kundi pati ang ugat na nasa likod ng malakihang shipment ng droga na naipuslit papasok sa bansa.




MALIGAYANG KAARAWAN
S/SUPT. MARCELINO PEDROZO

Binabati natin ang isang makisig na opisyal na malapit sa puso ni Mayor Erap Estrada na si Kernel Marcelino Pedrozo.

Nakaraang Lunes ay nagkaroon ng konting selebrasyon na dinaluhan mismo ni Yorme Erap at iba pang matataas na opisyal ng PNP.

Ilang district directors at RD rin ang dumating at bumati, pati mga kumpale ‘este kumpare at kaibigan ni sir Pedrozo sa kanyang Birthday celebration.

Patunay lamang napakaraming napakisamahang mabuti ni Pedrozo.

Ipinaabot rin ng MPD station commanders at katoto natin sa MPD Press corps ang isang siksik, liglig at nag-uumapaw na pagbati sa kaarawan ni S/Supt. Pedrozo!

Mabuhay sir!

YANIG – BONG RAMOS

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *