Saturday , November 16 2024

P50K pekeng gamot kompiskado sa 6 Chinese drug stores (Saleslady arestado)

UMABOT sa P50,000 halaga ng mga pekeng gamot at health products ang kinompiska ng pinagsanib na puwersa ng Food and Drug Administration (FDA), Manila Police District (MPD), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa anim Chinese drug stores sa Sta. Cruz, at Binondo, Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

KINOMPISKA ng mga awtoridad ang tinatayang P50,000 halaga ng mga pekeng gamot at health products sa pagsalakay ng pinagsanib puwersa ng Food and Drug Administration (FDA), Manila Police District (MPD), at Cri-minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa iba’t ibang Chinese drug store sa Sta. Cruz, at Binondo, Maynila kamakalawa.

Armado ng seizure order, dakong 11:00 am, pinangunahan ng FDA Regulatory Enforcement Unit (REU) sa pamumuno ni OIC ret. General Allen Bantolo, ang pagsalakay sa target na mga drug store sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Bantolo, positibong hindi rehistrado at ipinagbaba-wal ang health products ng C.Y.R. Gift Shop Store sa 511 Bustos St., Sta. Cruz.

Napag-alaman, inaresto ng mga awtoridad ang saleslady ng nasabing drug store na si Gina Ventura makaraan makabili ng pekeng gamot ang isang miyembro ng raiding team na nagsilbing poseur-buyer.

Kabilang din sa sinalakay ng mga awtoridad ang limang iba pang Chinese drug stores na ki-nabibilangan ng Central Chinese Drug Store sa 1057 Ongpin St., Sta. Cruz; Hung Tai Yang Chinese Drug Store sa Ongpin St., Binondo; Ton Ren Tang Medication Inc., sa 800 D. Sabino Padilla St., Binondo; Suy Chong Chinese Drug Store sa T. Alonzo St., Sta. Cruz, at Suy Hong Chinese Drug Store sa 688 T. Alonzo St., Sta. Cruz, pawang ng naturang lungsod.

Nabatid mula kay Bantolo, pinaiigting ng FDA ang laban kontra ilegal at ‘di rehistradong mga gamot at health products na ibinibenta sa mer-kado dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *