ISANG malungkot na balita ang natanggap namin mula sa aming Managing Editor dito sa Hataw, si Madam Gloria Galuno ukol sa isa sa aming ninong, si Alfie Lorenzo. Pumanaw na ito.
Kasunod ng balita’y ang sunod-sunod na text messages mula sa aming kasamahan sa SPEEd, ang pagpanaw nga ng veteran talent manager at movie scribe na si Ninong/Tito Alfie.
Pumanaw si Ninong Alfie sa edad na 78 kahapon ng madaling araw. Inatake sa puso kagabi sa Solaire at dinala sa San Juan De Dios Hospital sa Maynila pero hindi na nabigyan ng lunas.
Ayon sa aming natanggap na balita, si Judy Ann Santos, dating alaga ni Ninong Alfie ang nag-ayos sa labi ng dating manager. Inilagak ang labi ni Ninong Alfie sa Arlington Funeral Homes, Araneta Avenue, Quezon City.
Bukod sa pagiging kolumnista sa Abante at discoverer ng maraming celebrities ng aming ninong, nagkaroon din siya ng radio program saDZMM, ang Whats It All About Alfie? at isa sa original publicists ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.
SPEED, NAGLUKSA
Samantala, isang post ang ipinahayag ni Juday sa kanyang Instagramaccount ukol sa pagkawala ni Ninong Alfie, narito ang kanyang post: ”It is with deep sadness that we pray for our dear Tito Alfie Lorenzo who has joined our Creator at 2:12 this morning. We are just coordinating the wake details with the family as we would want to be faithful to his last requests. We shall keep you posted. Thank you for your understanding and being one with us in this time of grief.”
Nagpahayag din ng pagkikiramay ang bumubuo ng SPEEd. ”WE, members of the Society of Philippine Entertainment Editors (Speed), join the industry in mourning the passing of columnist/talent manager Alfie Lorenzo.
Lorenzo is one of the pioneers of entertainment journalism in the country and has become an icon to most writers like us.
He was a dear friend and colleague whose insights in the movie and television production were invaluable in the development of the movie/TV industry in the country.
Speed condoles with the surviving family of Alfie Lorenzo.”
Mula sa amin dito sa Hataw, nakikiramay po kami kami sa pagkawala ng aming Ninong. Maraming salamat po sa mga pangaral at masasayang araw na pinagsamahan natin. Mami-miss ka namin ninong.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio