BUNSOD nang pagsisiksikan sa piitan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, namatay ang isang preso habang kritikal ang kalagayan ng isa pa sa pagamutan, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng QCPD – Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), hindi umabot nang buhay sa Novaliches District Hospital si Renato Moreno, 42, habang inoobserbahan sa Quezon City General Hospital si Bienvenido Paredes.
Nauna rito, dakong 4:00 am sumigaw ng saklolo ang mga bilanggo sa detention cell nang makitang nakahandusay at hinahabol ang paghi-nga nina Moreno at Paredes.
Agad isinugod sa ospital ng mga operatiba ang dalawa ngunit idineklarang dead-on-arrival si Moreno habang malubha ang kalagayan ni Paredes.
Hinalang suffocation ang dahilan ng paghihi-ngalo ng dalawa dahil siksikan sa loob ng bilangguan.
Ang detection cell ay 40 katao lamang ang kapasidad ngunit umaabot sa 100 preso ang nakakulong.
Dumami ang bilang ng mga bilanggo sa kulungan simula nang ipa-tupad ang kampanya laban droga o “Oplan Tokhang.” (ALMAR DANGUILAN)