Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Brgy. kagawad utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang 46-anyos barangay kagawad at Meralco contractor, makaraan barilin ng hindi nakilalang gunman habang kausap ang kanyang kli-yenteng magpapakabit ng legal na koneksiyon ng koryente sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya kahapon

Patay noon din ang biktimang si Eduardo Arcilla, Meralco contractor, at barangay kagawad, residente sa Saint Peter St., San Antonio, Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, dakong 12:35 pm nang maganap ang insidente sa harapan ng basketball court sa Gate 20, Area H, Parola Compound, Tondo.

Napag-alaman, hinikayat ng biktima ang mga residente sa naturang lugar na magpakabit nang maayos na linya ng koryente sa kanyang grupo nang biglang sumulpot ang suspek at mala-pitang binaril si Arcilla.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek na tumakas makaraan ang insidente.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …