Saturday , November 16 2024

Mag-asawang drug financier, money launderer niratrat sa EDSA

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang misis makaraan pagbabarilin habang lulan ng kanilang sasakyan sa bahagi ng EDSA sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Glen Bernardo. Habang inoobserba-han sa intensive care unit ang kanyang misis na si Maricar.

Sakay ang mga biktima sa nakaparadang Toyota Altis sa tapat ng isang banko, habang may hinihintay sa Brgy. 86, nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek, ayon sa barangay tanod na si Jesus Mariano.

Hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril sa mag-asawa.

Ngunit ayon sa Caloocan police, may impormasyon sila na ang mag-asawa ay bigtime financier at money launderer ng mga drug lord sa bansa.

May utos rin anila mula sa Court of Appeals na ipasara ang kanilang bank accounts dahil sa napatunayang money laundering activities.

Kabilang ang mag-asawa sa inaresto sa o-perasyon ng pulisya sa isang condominium unit sa Caloocan noong 2016, ngunit nakalaya makaraan magpiyansa.

Nakatakdang i-review ng mga awtoridad ang footage ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Hindi bababa sa 17 basyo ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente. (R. SALES)


About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *