Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Bello: pro-Joma anti-Digong

MAKAPILI ba itong si Labor Secretary Silvestre Bello III?

Sa halip kasing suportahan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tapusin ang pakikipag-usap sa rebeldeng komunista, lumalabas na ayaw niya itong mangyari.

Dapat ay sumusunod si Bello sa kagustuhan ni Digong at hindi kung ano ang gusto ni-yang mangyari. Bakit parang ayaw pa rin bumitaw nitong si Bello at laging ikinakatuwiran ang kanyang panghihinayang sa peace talks.

“Sayang, ang dami na nating nagawang forward movement,” pahayag ni Bello.

Anong forward movement kaya ang pinagsasabi nitong si Bello? Ang bistayin ang mga sundalong Filipino ng mga berdugong NPA?

Praning na ‘ata si Bello! Hindi ba niya naisip na sa gitna ng pakikipag-usap ng mga dogmatikong komunista sa pamahalaan, patuloy naman ang kanilang extortion activities? E, ano pang kabuluhang makipag-usap ang pamahalaan ng Filipinas, kung ganito naman kamalatuba ang mga komunistang kausap nila?

Kahit na sagot ng Royal Norwegian Embassy ang gastos ngayon, malaki na rin ang nagagastos ng pamahalaang Filipinas sa pakikipag-usap sa grupong bandido ni Jose Maria Sison. Dapat maisip ni Bello na ang kanyang ginagastos dito ay buwis ng taongbayan.

Kung talagang sinusuportahan ni Bello ang administrasyon ni Digong, dapat ay tapusin na niya ang pakikipag-usap sa mga komunista. Malinaw ang sinabi ni Digong, tapos na ang pakikipag-usap ng Filipinas sa NDF.

Hindi pa ba malinaw kay Bello ‘yun? At mismong ang mga komunista na ang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang peace talks lalo nang tambangan nila ang convoy ng PSG sa Arakan, North Cotabato ilang araw bago maganap ang State of the Nation Address (SONA) ni Digong.

At puwede ba, tigilan ni Bello ang kung ano-anong teknikalidad na kanyang sinasabi kung paano tatapusin ang peace talks sa pagitan ng pamahalan at ng NDF. Kesyo kailangan pa raw ng written notice sa magkabilang panig batay sa joint declaration peace process. Buhong! Ang mahalaga, layasan mo si Joma.

Hindi matinong kausap si Joma, dahil bukod sa ulyanin, may tama na rin sa ulo. Paano ma-giging maayos ang peace talks kung mismong si Joma ang gumagawa ng paraan para hindi ito matuloy?

Sapat na ang sinabi ni Digong na tinatapos na niya ang pakikipag-usap sa mga komunista. Hindi pa ba ito malinaw kay Bello?

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …